Tuesday, December 25, 2018

Ang Manlilinang







Mula pagkasilang at mamulat ang isipan
Ako'y nakatadhana na yatang maging kasangkapan
Upang malinang ang tamang kaalaman 
Nang isang makabagong kabataan


Kaalaman na kailangan ko ipunla
Sa mga makabagong araling panimula
Marapat pag-aralan at sanayin muna
Upang sa kabataa'y ituturo ay tama


Kabutihang asal ay lilinangin ko
Sa kabataan ngayo'y ipapahayag ng wasto
Sa pagtanda nila'y maging makatao
Para maging huwaran ng maraming bansa dito.





Guest Post From James The Teacher
Check his FB Profile on the link above

No comments:

Post a Comment