Sunday, December 16, 2018

Other-Sad




Other-Sad


(maikling kwento sa panulat ni Arah Rue)


Maka-sampung beses nang binabalik-balikan ni Sarah ang FB Messenger sa loob ng limang minuto. Tinitingnan kung nagreply na si Marcus.

Subalit wala pa rin.

Pilit na sinasabi sa isipan ni Sarah ang mga katagang -  "on-line naman siya ah, ba't kaya di siya nagrereply?"

"Siguro, may ka-chat siyang iba or may ka video-call".

Hindi naman niya boyfriend si Marcus para umasta siyang kailangang agad-agad magreply ang tao. Ang kaniya lamang ay, sana maging sensitive naman ang lalaki dahil napasarap ang chat nila kanina - pinag-uusapan nila ang mga bagay bagay ukol sa lovelife at ang huling tanong niya na 'di na sinagot ay kung kelan balak ni Marcus magka-lovelife uli.

Para siyang iniwan sa ere. Kase alam niya deep inside na mukhang type siya ni Marcus, at tinatago lamang niya ang matindi ring pagka=crush niya para rito.

Maya't maya'y, umilaw ang smartfone - may nagmessage ayon sa notification. At si Marcus nga, dali-dali niyang binuksan at binasa.

"Baby... papunta  na ako sa bahay niyo, wait me ng 15-20 mins"

Kumunot ang noo ni Sarah sa nabasa. Ilang segundo lang, nasundan uli.

"Sorry, wrong window"

"Talk 2 you soon, will explain. May pupuntahan kase ako. tc"


Hindi namamalayan ni Sarah na halos mag-bleed na ang LCD screen sa pagkakahawak at pagkakadiin ng kamay niya sa Oppo phone, dahil sa magkahalong inis at panghihinayang.





© Arah Rue