Sa sinapupunan pa lang kanya ng inalagaan.
Gumuhit ang ngiti, ng sipa ay kanyang maramdaman.
Ipinagbubuntis pa lang ramdam mong siya ay nahihirapan.
Pero di alintana ang hirap kahit pa malaki at mabigat na ang tiyan.
Bumilang ng isa, dalawa hanggang siyam na buwan.
Ito na ang araw na kanyang pinakahihintay.
Di masukat sukat ang ngiti ni inay.
Wala namang pagsidlan kagalakan ni itay.
Ng kanilang masilayan mumunting sanggol, na sa kanilang tahanan ay nagbigay kulay.
Sa pag aalaga si nanay tuwang tuwa.
Pag-aayos sa sarili hindi na magawa.
Ni hindi niya alintana mga guhit ng katandaan sa kanyang mukha.
Gayunpaman, tunay na kaligayahan inyong mababasa.
Pangungusap ng kanyang mga mata.
Ang kanyang pangako sa mumunting sanggol.
Sinoman ang umapi kanyang ipagtatanggol.
Walang simuman ang sa kanya'y pwedeng humatol.
Bibigyan ng magandang buhay kahit salat sa kayamanan.
Magandang kinabukasan kanilang paglalaanan.
Ihahatid susunduin sa kanyang paaralan.
Hanggang sa makapagtapos sa kursong kanilang pinapagplanuhan.
Guest Post from Betty The Beauty
(Check her FB thru the link above)
No comments:
Post a Comment