Sa darating na Biyernes, darating ka sa bahay at tayo'y
magtatampisaw sa ulan
Iyon ay kung uulan sa darating na Biyernes.
Andaya mo... Biyernes ka nga ba darating?
Baka naman sa Sabado ka pupunta.
Paano kung di uulan sa Sabado?
Nakiusap pa naman ako sa mahal na Hari - na gagawin niyang makulimlim
sa araw ng Biyernes.
Inaasahan ko iyon, na darating ka talaga sa Biyernes
kase planado na lahat.
Walong oras, walong oras lang naman...
pasasaan ba at lulubog na ang araw,
matatapos na naman ang isang araw, at parang kay bagal ng paglipas nito
Paano'y Lunes palang bukas.
Alam ko, uulan mamayang gabi... sana kasinlakas nitong nakaraang mga gabi,
kung saan, nanunuot ang lamig - upang mas lalo kong panghawakan ang lambot ng unan
iniisip ko... ikaw 'yun; tulad ng dati - nung tayo'y unang nagtabi sa silong ng buwan,
sa loob ng aking tent - noong ang naririnig lang natin ay mga huni ng ibon
at pagaspas ng hangin kasabay ng mga alon sa tabing dagat.
naalala ko pa iyon - noong overnight camping sa Batangas.
Ewan ko ba, matagal na yun pero parang kelan lang,
sana ikaw rin - naalala mo ang mga sandaling iyon.
Ikaw, hanap ko... 'di naman lagi
pero ayun nga, alam ko darating ka sa Biyernes.
Siguro kahit sarili molang dadalhin mo, - ok na.
Ang mahalaga, andun ka.
Paanu nga ba? Eh mukhang hanggang memories nalang?
Kase sa tono ng boses mo noong nagkausap tayong huli,
excited ka na 'di ko maintindihan - kase feel ko merong something
but then, i'm still hoping that you'll be true
True to your promise na darating ka sa Biyernes
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ahhhhh! Panaginip... akala ko panaginip lang ang lahat.
Totoo palang nangyari ang lahat ng iyon.
Ang masama lang, natapos na...
iyon ay nakaraan na... lumipas na...
parang ulan - na tumitila
parang memories - na biglang naiiwan sa alaala
parang ikaw - na lumisan na
OriginalContent by
Othello
#freeverse #pinoypoets #pinoypoetry
No comments:
Post a Comment