Monday, October 19, 2020

Iba na Ngayon

 



Iba na ngayon
Noon malinis pa ang hangin
Walang gasinong polusyon

iba na ngayon

Marumi na at may sakit na dala na ang hangin
Hindi na gaya ng dati rati'y masarap samyuin
Malinaw pa ang tubig noon
sa mga lawa, batis, ilog, talon, bukal, look,
maging sa malawak na karagatan

iba na ngayon

Mga anyong tubig ay mayroon ng mga batik
Ang dating malinaw na ngayoy singlabo ng putik
Naglutangan pa at nakakalat ang mga basura at plastik
kaya ang bagyo na dating mahina
lindol na pumipinsala
elnino na mainit na klima
sinabayan pa ng ,alakas na lanina
ngayon napapanahong kasalukuyan
sa ating mundoy sumasalanta
ang pang buong pandemya

iba na ngayon

dahil ang bagyo'y malakas pa sa sampung ulit
lindol na ang tindi ay humahagupit
ang init na dala ng klima, balat ay napupunit
ulang dala naman ng La NiƱa, bahang halos aabot na sa langit
kulog din at kidlat na lumalangitngit
animo'y may sumabog na bomba sa kalawakan ng langit
at ang pinakahuling nararanasan nati'y pandemyang malupit

iba na ngayon

dating magalang na ugali napalitan na rin
pagpipitagan sa kapuwa nalimutan narin
pagbibigay at pagmamahal man din
sa puso nila'y di na masasamin

iba na ngayon.




#originalContent by
James Riazo

#freeverse #pinoyBlogs
#pinoyPoets




No comments:

Post a Comment