Did you know na ang pagbabantay ng kapilya ay hindi kathang-isip? Hindi ito imbento ng kahit anong relihiyon o organisasyon. May malalim itong pinag-ugatan sa Biblia, mula pa sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan. Noon pa man, may mga itinalaga ang Diyos para magbantay sa Kanyang tahanan—para mapanatili ang kaayusan, kabanalan, at katahimikan ng pagsamba.
Ang pagbabantay ng kapilya ay hindi lang tungkulin—ito ay sinaunang gawain na iniatas mismo ng Diyos.
Sa Lumang Tipan, ang mga Levita ay ginawang tagapangalaga ng Templo. Hindi lang sila bantay sa pinto—sila ang nagtitiyak na ang lugar ng pagsamba ay nananatiling banal. Sa Bagong Tipan naman, kahit nagbago ang panahon, hindi nagbago ang prinsipyo. Si Cristo mismo ay ipinagtanggol ang Templo, at itinuro ng mga apostol na ang pagsamba ay dapat gawin nang may kaayusan at paggalang.
To quote the Bible, 1st Chronicles... 9:22–23
The Levites were appointed as gatekeepers of the Tabernacle and later the Temple.
Their duty was to:
• Guard the entrances
• Protect sacred areas
• Ensure only those authorized could enter
This wasn’t symbolic — it was an official, God-commanded duty.
What this means...
• Ang pagbabantay sa kapilya is biblical, not modern or cultural
• It reflects:
Reverence for God
Protection of sacred space
Discipline and responsibility
On top being a responsibility in guarding the house of worship, ang pagbabantay ay isang tungkulin—isang iskedyul na kailangang tuparin, isang responsibilidad na kailangang gampanan. Sa mas malalim na pagkaunawa sa diwa ng paglilingkod, malinaw na ito ay isang pagtatapat para sa mas malalim at mas makahulugang malasakit sa bahay ng Diyos.
Ang pagbabantay ay nagtuturo ng disiplina at paggalang. Sa pagiging mapagmatyag, mas nagiging sensitibo ka sa anumang maaaring makaabala sa kapayapaan ng bahay-sambahan (may pagsamba man o wala). Natututo kang unahin ang kaayusan, hindi dahil may tumitingin o may nag-uutos, kundi dahil may kusang malasakit kang gustong ipakita. Dito makikita na ang tunay na paglilingkod ay hindi hinihintay ang papuri—ito ay ginagawa kahit walang nakakakita.
Higit sa lahat, ang ganitong tungkulin ay bunga ng pag-ibig at pananampalataya. Ang nagbabantay sa bahay-sambahan ay hindi kumikilos dahil ito'y schedule o nakatoka sa kaniya, kundi dahil sa pagnanais na maprotektahan ang kabanalan ng bahay sambahay -- driven out of faith, out of love, at malasakit; ito ay nagbubunsod ng malalim na pag-ibig sa Diyos.
Sa panahon ngayon na madalas inuuna ang pansariling kaginhawaan, ang pagbabantay sa bahay-sambahan ay tahimik na paalala na may mga bagay na mas mahalaga kaysa sarili. Ito ay patunay na ang pananampalataya ay hindi lang ipinapahayag sa salita, kundi ipinapakita sa gawa—sa disiplina, sa sakripisyo, at sa taos-pusong malasakit.
Ang pagbabantay sa bahay ng Diyos ay hindi lamang pagtupad ng responsibilidad. Ito ay paglilingkod na inuudyukan ng pag-ibig, pinatatatag ng pananampalataya, at nagpapalalim ng malasakit sa banal na lugar kung saan ang Diyos ay sinasamba. At sa ganitong paglilingkod, hindi lang ang bahay-sambahan ang napapangalagaan—pati ang puso ng naglilingkod ay lalong hinuhubog at pinapabanal.
--billymacdeus

No comments:
Post a Comment