Showing posts with label poetry2019. Show all posts
Showing posts with label poetry2019. Show all posts

Monday, December 16, 2019

Camouflage - Beach Girl Baby







When the waves allow you to drift farther, like my thoughts drifting far far away
'twas a momentous, almost romantic feeling i am yet to look forward to
and no! im not in a hurry to end this dream-like almost surreal feelings of happiness
because when u came into my life - reality is no longer reality
but it became an unburstable bubble that i will not wish to disappear
for the rose clipped in my breast pocket is just simply an adornment
not to make my vanity in the summer days or the winds of Amihan tis December
but to look forward that in all the four seasons of loneliness i have endured
for the longest time, will be an everlasting days of spring festivities 
that i shall bury in my grave.










lovelots,
billymacdeus

Sunday, December 15, 2019

Ako'y Iyong Hinirang, Isang Tula Para sa Pasalamat 2019



Ako'y Iyong Hinirang
guestpost by Lanz Aidan


Ama na aming Diyos, purihin ka!
Sapagka't isang taon muling iningatan,
Isang taong muling kami'y pinagpala,
Na hanggang ngayo'y iyong hinirang.

Ngayon ay nagdiriwang ang iyong bayan!
Umaawit kami ng papuri mula sa aming puso
Nang ika'y mabigyan ng ibayong kagalakan!
Kami'y mananatiling tapat sa piling mo.


Sa iyo kami ay nagsusumamo, Ama, dinggin mo.
Hirap at hinagpis ay iyak ng sanlibutan
Ngunit, kami'y patuloy na tinulungan mo,
Kami'y pinagpapala sa kabila ng kahirapan.

Salamat, Ama, hindi mo kami itinatakwil
Sa kabila ng aming maraming pagkakasala at karumihan.
Sa iyong pagpapahinuhod, hindi ka tumitigil,
Banayad mong nililinis kami sa aming kasalanan.






Ama, kailanman ay hindi kami naging dapat sa iyo,
Sa iyong pagmamahal na dalisay,
Ngunit kami'y minarapat mo.
Aming buhay nagkaroon kabuluhan at saysay.

Ama, muli mong ingatan ang iyong mga anak.
Tulad ng aming inawit, muli kaming maglalakbay.
Ama, iyong masdan aming mga yapak,
Nang aming marating ang inaasam naming tagumpay.

Ang tahanang inihahanda mo sa amin,
Na aming pinaka inaasam marating,
Ito ay tagumpay sa amin,
Sa Bayan Banal ikaw ay aming makapiling.





Lanz ®️
for Year-end Thanksgiving 2019





Saturday, December 14, 2019

Lola's Death Anniversary - Missing You


Socorro
isang tula para sa isang mapagmahal na Lola






antagal na kitang di naramdaman,
ni kahit sa panaginip di ka man lang dumadalaw
kahit sa gunita, parang nakalimutan mo na ako...


2012 - nang ikaw ay pumanaw...
ako'y nalungkot, umiyak at humagulgol
akala ko'y wala nang katapusan-
ang nadarama kong kalungkutan


subalit totoo pala ang sabi ng ilan-
ang panahon ay nakakapaghilom
ng sugat...
mga sugat na iniwan ng nakaraan


ngayo'y bigla kitang naalaala,
nagmessage ang nanay ko-
sinabing death anniv mo pala
ako'y nabigla at napatigil...


parang kailan lang, nang ikaw ay pumanaw
dagli kong naala-ala
ang yong suot na mahabang saya
sa tuwing may pagsamba


kayganda mong pagmasdan-
pinuri pa nga kita noon,
habang tayo'y papunta sa kapilya
naglalakad, at ikaw ay napatawa


nagunita ko tuloy ang 'yong ngiti
na siyang nagbigay sakin ng pag-asa
pagkat kung may lumbay at hapis man noon
yaon ay pawang nawawala, sa 'yong masaganang pagkalinga


malapit na akong grumaduate noon sa college,
pangako ko sa aking sarili, ililibre po kita
itre-treat sa jollibee, lalabas at kakain at mamamasyal
subalit di mona pala ako maaantay...


bigla kang pumanaw,
ni dika man lang nagpaalam...
ngunit ako, ako'y naging saksing buhay
kung paano mo kami iniwan.


masakit man sa aking damdamin
subalit kailangan kong tanggapin
ngunit masaya ako, sa kabilang banda
pagkat natapos mo ang 'yong takbuhin

alam kong naging busy na ako...
di na kita nadalaw sa 'yong puntod
tuwing ako'y umuuwi sa probinsya..
pasensya kana..


nais ko rin sanang sabihin
na kung andito kalang...
ikaw' sana ay lululan
sa aking sasakyan


di kana maglalakad,
papunta sa palengke
o pag bumisita sa 'yong mga kaibigan
pagkat ika'y ihahatid ko, upang dikana mapagod


pero alam kong payapa ka na diyan
kung saan ka man nakahimlay
ang alam ko, magkikita pa rin tayo
pagsapit doon, sa bayang banal.








ˆbillymacdeus ®️
(why am i being so emotional while writing this?, i thought the pain and heartache have long gone but the truth is, it's still there. Or, am i just feeling emptiness and longing?) - 🤜🤛 tell me your thoughts!




Sunday, December 08, 2019

Bakit Nga Ba Tayo Nag-break?







Minahal mo ako noon, 
ganun din naman ako sayo 

Pero bakit nga ba tayo nag-break?  

Nagkahiwalay ng matagal na panahon 
at muling nagkabalikan 

Pero bakit nagbreak tayo uli? 
  • Siguro hindi sapat ang I LOVE YOU at I MISS YOU. 

  • Siguro hinanap ko yung I TRUST YOU, I UNDERSTAND at yung IM SORRY.


  • Siguro, wrong timing. Marami tayong gusto sa buhay na sa sobrang eager nating tuparin ang mga ito, nakakalimutan na natin ang isat isa. may priorities ka, meron din naman ako. wrong timing nga lang siguro.


  • Siguro, baka hindi ako. O baka hindi din ikaw. Baka hindi talaga tayo para sa isat isa. Baka kahit ilang beses nating ipagpilitan ang sarili natin sa isat isa, hindi talaga tayo para sa isa't-isa.


  • Siguro, mahal mo pa siya at hindi pa ako handa. lagi tayong nag-aaway. lagi tayong nagtatalo sa mga bagay-bagay. baka hindi talaga tayo dapat magmahalan. baka ginawa tayo sa mundong ito bilang magkalaban. baka hindi tayo lovers, baka tayo ay boxers.


  • Siguro, kailangan na talaga tayong mag-break. Baka pagod ka na, pagod na din ako. Baka kailangan nating huminga sa sari-sarili nating mundo. Baka kailangan na nating maghanap ng kani-kaniyang mamahalin. Malay natin baka pagdating ng panahon tayo parin pero hindi pa sa ngayon.




˜VNZ ®
(guestpost submission)




Sunday, October 27, 2019

The Case Of The Angry Walker



Sunday slowdown.

Ain't nice swinging your feet, at home.

Alone.

Snacking. Letting time pass - stress-free

Minding your own business

While the world gets to transcend from noontime

to sunset...





And you, feeling every bit of satisfaction.



Like wowsers after wowsers

Until you get to be binge-watching

To Insatiable because Patty Bladell is just

freakinly awesome.

Like there's no forever.


Wordsmith... you get to to say to yourself

Nahhh, just letting time fly

leisurely.

Happy Sunday!!!







billymacdeus' poetry ®


Saturday, October 19, 2019

Vibrations






Oh lips... 
So tender
Allow me to gently
kiss.. That sparkling gloss
to let me feel
the warmth of
your breath that
I wish to hear
To let my heart
Murmur
in your ear...
Music of
solemn praise
Reaching to your
Heart
Vibrating to your mind
Until such time
That the waves
Of intensity
Shall be
In unison to mine
Where I can
Finally touch you
And embrace you
While we lose
Ourselves
In to
the oblivion
Of eternal passion...






billymacdeus' poetry ®
_




a blogpost throwback
drawing credits to @kasiqjungwoo (instagram)

Just Before Dreamland






Before i drift into slumber
Memories of not so long ago flashing,
On my vision, blurry now..
Almost my eyes would totally close
to sleep
But in between those blinks
I knew i smiled
For i saw your face smiling
But sleep keeps on pulling me
Although i wanted to still see
You, even in fragments
On my tired mind
Trying to prolong
The fleeting encounter
But what can i do?
My arms flailed tenderly
And slowly it stopped
And my eyes are closed now.
Yet in my consciousness
You are there,
Smiling back at me again...
And i knew my lips too,
Managed to smile back at you
And so at that fraction of a second
When our eyes locked
With each other -
That's when i knew
I went off
In entering dreamland.
With me is the calmness
For i know,
that when i
Wake up, and return to sleep
to rest...
I shall see you again.

... Just before dreamland






billymacdeus' poetry ®
_





a blogpost throwback
drawing credits to @apple (instagram)





Thursday, October 17, 2019

What Makes A Heart Love Again?





What Makes a Heart Love Again?

It's not because you were tired of being your own friend;
to dine alone
or drive alone
and speak in silence to appreciate the beauty of nature you passed by

It's because you enjoy each other's company;
both done sipping your own coffee and unknowingly it's almost midnight
both shared the talk with wit and laughter, as you have been together before,
like an old friend catching up to each other...

They said, it's the simple things
that truly matters with the heart

I would say, it's the language of the heart
that determines to advance further,
to pursue another step;
beyond friendship
beyond the mutual feelings

I believe it's also the development stage --
from being friends to that special moment of bliss just being with her,
or that indescribable magical effect
that a person has experienced - since the ancient days,
for love has been there;
before, back then...
way back in the beginning of time
And it's the same air of happiness --
shared by mutually agreeing souls,
that when their eyes locked to each other,
it's as if the same wavelength travels back and forth...
aligned, understanding each other's eyes
even when
no words
were
spoken





billymacdeus' poetry ®
_




drawing credits to @titomerello (instagram)
blogpost throwback






Friday, October 11, 2019

Hulyo Beinte-Siyete






Araw ng kaarawan ng iyong kawan,
Araw din ng kaarawan ko sa bayan,
Isang daan at limang taong Iningatan,
Anim na taon akong ginabayan.

Dumating na ang araw ng pasalamat,
Hinintay ito ng bawat hinirang mong tapat.
Bagama't kami'y hindi karapat-dapat,
O, Diyos, hinango Mo kaming lahat.

Nagdanas ng mabibigat na suliranin,
Nagpasan ng iba't ibang saloobin.
Ika'y napaka buti sa amin
Sapagka't kami ay iniibig Mo pa rin.
Bagamat kami'y nagkulang at nagkasala,
Ipinaranas Mo pa rin ang mga pagpapala't biyaya,
Kung minsan ma'y mawalan ng pag-asa,

Iyong pinalalakas kami, pinasisigla.
Hindi lingid Sa'yo ang hangarin ng bawat puso,
Sa kabila ng karumihan ay pinagtitiisan Mo.
Sa lahat ng paulit-ulit naming mga pangako,
Nilinis, ginawa mong marapat mga hirang Mo.

Ngayo'y matagumpay ang Iglesia na iyong bayan!
Ibinabalik namin Sa'yo ang lahat ng kapurihan!
Kami'y Iyong lingkod na walang kabuluhan
Nguni't dahil Sa'yo kami'y tapat na lumalaban.
Tulad ng ginto, kami'y dapat maging dalisay,
Ipinararaan Mo kami sa malakas na apoy ng buhay,
Pagtatagumpayan namin ang lahat ng sakit at lumbay,

Upang kami sa iyo ay laging magtumibay.
Dumating man ang malalakas na alon,
Kami ay patuloy na makakaahon.
Pangako namin ito sa'yo, Panginoon,
Hindi sasayangin ang kahalalan na aming baon.

Ano man ang mangyari maglilingkod hanggang sa wakas!
Ano man ang mangyari maglilingkod hangga't may lakas!
Ano man ang mangyari, kahit ano ang madanas,
Tapat na maglilingkod kahit luha sa aming mukha ay bumakas. 

Mananataling tapat ang mga hinirang mo
Sapagka't sa'yo lamang namin matatamo
Ang buhay na sa amin ay iyong ipinangako
Buhay na walang hanggang diyan sa piling Mo.

Mawala na ang lahat sa amin, o, Ama!
H'wag lamang ang pag-ibig at Iyong awa.
Sa amin ay h'wag Ka sanang magsasawa
Na pakaingatan kami sa tuwi-tuwina.
Salamat, Ama, sa walang sawang pagmamahal!
Nakikita mo ang aming pagpapagal,
Sa tulong mo, kami'y tumatagal,
Kaming mga hinirang na iyong inihalal.




guest post by Lanz Aidan

Saturday, September 21, 2019

Two Years Wasted

Love story inside a story... hear this out readers.




It's actually a true story...
It hurts to talk about it
But wanna know the funny part that's not very funny to me?

She was cheating on me the whole time
(Sighs)
If I had put the some amount of time i spent focusing on some girl into my degree,
I would have had much better grades and more money to show for it
But no!
I got f*cked

Two Years wasted...

I was making good money as well i could have bought a new car
and have afforded a new apartment closer to the city
But no!
I let what appeared to be true love screw me
I just lusted after her like some pathetic loser
While she took my money and spent in on vacations with her other guy
while i thought she was away on work trips
I'm so broke because of her
I would have been well off
No I'm still in school finishing my specialist degree



My only advice - never trust anyone
Not even your family
Be competent
Then you'll never have to rely on anyone
or anything to make you happy
She may have broken my heart but she'll never take my pride
Sure thing

I really sought revenge, I did
I had it planned out for months
But then i let go
I let go of my hatred for what she did to me




Straight from the heart,
Gumbomb4987





(This is a guest post with permission from Gumbo, lifted from Discord; thanks for reading)

Monday, May 13, 2019

Saludo Sa Mga Manggagawang Pilipino (Late Labor's Day Post)


Pagod ka na ba?

Sa tuwing umaga, ikaw ay gigising, na kailangang abutan ang pag-time in.
Sa mga manggagawang sa gabi'y pumapasok, 'di inaalintana ang panganib at puyat
Upang pagdating ng sahod, may mailagay sa lamesa; pagsasaluhan ng iyong mahal na pamilya.

Pagod ka na ba?

Sa tuwing maglalakbay, abutan man ng init, pawis at 'di kumportableng upuan sa jeep o sa bus
Tinitiis na lamang, upang mabigyang daan ang isa na namang shift na lilipas
Para lamang sa akinse o katapusan, may mai-abot sa sinisintang mahal

Pagod ka na ba?

Sa paglakad mo pauwi, di mo na iniinda kung may nakasunod sa 'yo na isnatcher
Pagkat sa likod ng 'yong isip, may nagbabantay sa 'yo upang ikaw ay iligtas sa panganib
Dahil pagdating mo sa 'yong tahanan, inaasahan ka ng 'yong sambahayan.




Pagod ka na ba?

'Di ka na naririndi sa sigaw at mga utos ng 'yong boss
Dahil kailangan mong pangatawanan ang trabaho na 'yong tinanggap
Malimit ika'y napapagod, subalit nililibang mo nalang sa yong sarili na ito rin ay matatapos

Pagod ka na ba?

Dumating ang ulan, o bagyo; may sakit ka man - pumasok ka parin sa 'yong kagustuhan
Dahil walang pang gamot, sa clinic ng kumpanya'y ika'y tumuran.
Naalala mo, iniwan mo si bunso, na may ubo't sipon - magbabasakaling pagbalik mo sa bahay - siya ay bumuti kahit kaunti ang kaniyang kalagayan.

Pagod ka na ba?




| Poetry @billymacdeus

Sunday, May 12, 2019

Happy Mother's Day Sa'Yo Nanang (2019)



To Our Dearest Mother, Fe ~

You mean the world to us..
We (along with my bro and sis) are so lucky to have you around

Offering us good advice
And keeping our feet on the ground

You have always been there for us
throughout any trouble or strife






















You have taught so many things,
from the simple joys of living this life
to the blessed peace you always care
in bestowing us

You mean so much to us...
that we thought you should know,
that we love you very much!




Best Regards,
Billy Mac, Jayson and Faye

Sunday, May 05, 2019

When Invasion Comes Like a Waterfall



Thought it's another sci-fi flick, like the Men In Black
But this one's from SG, specifically Changi -
The airport of beauty








| Courtesy of Reddit/mostbeautiful

Poetry @billymacdeus

Tuyot na White Chicken


Ikaw na ang humusga. Bakit ako?
Nawawala ang balat ng chicken ko.
Kinuha ng iba, ang itinira'y laman laang.
Akala ko Chicken Joy - bakit puting chicken na.






| Image from Reddit/BPOinPH


Notes @billymacdeus

Saturday, May 04, 2019

When Calmness Strikes Forever


Come on!
Look at that -
Even my loudest of shout and the softest of my voice
shall be left in shame.





| Courtesy of Reddit/mostbeautiful


Poetry @billymacdeus

Friday, May 03, 2019

When The Path Is Close To Perfect



Why on earth is so much blessed with this beauty? 
Tell me...
I know you feel like walking and jogging in here. 
Where the mists and passerby dears come naturally as your company.





| Courtesy of Reddit/mostbeautiful


Poetry @billymacdeus




River Dale Sa Metro Manila

Pilipinas kong mahal, kailan ka babangon sa 'yong kinasasadlakan?

Mangyari'y gumising ka na sa 'yong pagkahimbing, 

Pagkat ang pag-idlip mo'y kay raming nahumaling sa 'yong kariktan,

Na 'di mo namamalayan, ika'y binababoy na sa 'yong sariling tahanan.

Pagmulat ng 'yong mata'y - ika'y masisindak

Wari'y ang kagandahan mo'y, tuluyan nang winasak.









| Image from Reddit/Philippines


Poetry @billymacdeus