Pagod ka na ba?
Sa tuwing umaga, ikaw ay gigising, na kailangang abutan ang pag-time in.
Sa mga manggagawang sa gabi'y pumapasok, 'di inaalintana ang panganib at puyat
Upang pagdating ng sahod, may mailagay sa lamesa; pagsasaluhan ng iyong mahal na pamilya.
Pagod ka na ba?
Sa tuwing maglalakbay, abutan man ng init, pawis at 'di kumportableng upuan sa jeep o sa bus
Tinitiis na lamang, upang mabigyang daan ang isa na namang shift na lilipas
Para lamang sa akinse o katapusan, may mai-abot sa sinisintang mahal
Pagod ka na ba?
Sa paglakad mo pauwi, di mo na iniinda kung may nakasunod sa 'yo na isnatcher
Pagkat sa likod ng 'yong isip, may nagbabantay sa 'yo upang ikaw ay iligtas sa panganib
Dahil pagdating mo sa 'yong tahanan, inaasahan ka ng 'yong sambahayan.
'Di ka na naririndi sa sigaw at mga utos ng 'yong boss
Dahil kailangan mong pangatawanan ang trabaho na 'yong tinanggap
Malimit ika'y napapagod, subalit nililibang mo nalang sa yong sarili na ito rin ay matatapos
Pagod ka na ba?
Dumating ang ulan, o bagyo; may sakit ka man - pumasok ka parin sa 'yong kagustuhan
Dahil walang pang gamot, sa clinic ng kumpanya'y ika'y tumuran.
Naalala mo, iniwan mo si bunso, na may ubo't sipon - magbabasakaling pagbalik mo sa bahay - siya ay bumuti kahit kaunti ang kaniyang kalagayan.
Pagod ka na ba?
No comments:
Post a Comment