Showing posts with label poetry2020. Show all posts
Showing posts with label poetry2020. Show all posts

Monday, December 28, 2020

Prayer Of The Fallen

#guestpost from Bheyvee





I heard a voice from out beyond. A familiar tone wrapped in warmth; it was him.
And so, I spoke as he drew near, I whispered to the wind, as if he would hear. My voice quivering, shaking in fear.
My lips let out these words in hushed tones, for I knew it was forbidden: you are my religion.
My saving grace in times of need, for every breath you take, seems holy to me.
For every word that drops from your lips is what I believed the book of truth speaks.
That your every deed and every move is what will save the lives of many. My liege, my king, the most holy one, please! Oh, please!

Tell us how to rid of our tainted skin, our sinful minds, our wretched lives. Tell us what to do, for we are your sheep; your lowlife followers, that will do as you please.
We'll offer our best and then ourselves, for it is what you decree. My lord, our savior, tell me what thine need and I will give whatever it is so your heart shall be pleased. Your word speaks of many things, such hopeful and kind deeds.
So, I’ll preach you well, as a god should be preached. I'll put you on a pedestal and give my all, and all you shall receive. My god, my king, the hopeful light your love is what I need.
But what would the love of a god do when I have long stopped to believe? Yes, it may seem foolish of me to fall for your charming sighs and wistful smile. But what could I do? I have fallen for you.
Though it is forbidden by the book of your word, and the promise of your tomorrow. But I guess I was moronic enough to think that you would give up the skies for me and walk among the fires of hell with me.
For I was the demon that had fallen for the god, who was bound to kill me to save his land above. (prayer of the fallen // 82519)





#guestpost
#originalContent
#poetry

Sunday, October 25, 2020

Ulan, Memories at Ikaw





 
Sa darating na Biyernes, darating ka sa bahay at tayo'y 
magtatampisaw sa ulan
Iyon ay kung uulan sa darating na Biyernes.
Andaya mo... Biyernes ka nga ba darating?
Baka naman sa Sabado ka pupunta.
Paano kung di uulan sa Sabado?
Nakiusap pa naman ako sa mahal na Hari - na gagawin niyang makulimlim
sa araw ng Biyernes.
Inaasahan ko iyon, na darating ka talaga sa Biyernes
kase planado na lahat.



Walong oras, walong oras lang naman... 
pasasaan ba at lulubog na ang araw, 
matatapos na naman ang isang araw, at parang kay bagal ng paglipas nito
Paano'y Lunes palang bukas. 
Alam ko, uulan mamayang gabi... sana kasinlakas nitong nakaraang mga gabi,
kung saan, nanunuot ang lamig - upang mas lalo kong panghawakan ang lambot ng unan
iniisip ko... ikaw 'yun; tulad ng dati - nung tayo'y unang nagtabi sa silong ng buwan,
sa loob ng aking tent - noong ang naririnig lang natin ay mga huni ng ibon 
at pagaspas ng hangin kasabay ng mga alon sa tabing dagat.
naalala ko pa iyon - noong overnight camping sa Batangas.
Ewan ko ba, matagal na yun pero parang kelan lang,
sana ikaw rin - naalala mo ang mga sandaling iyon.


Ikaw, hanap ko... 'di naman lagi
pero ayun nga, alam ko darating ka sa Biyernes.
Siguro kahit sarili molang dadalhin mo, - ok na.
Ang mahalaga, andun ka.
Paanu nga ba? Eh mukhang hanggang memories nalang?
Kase sa tono ng boses mo noong nagkausap tayong huli, 
excited ka na 'di ko maintindihan - kase feel ko merong something
but then, i'm still hoping that you'll be true
True to your promise na darating ka sa Biyernes


------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ahhhhh! Panaginip... akala ko panaginip lang ang lahat.
Totoo palang nangyari ang lahat ng iyon.
Ang masama lang, natapos na...
iyon ay nakaraan na... lumipas na...
parang ulan - na tumitila
parang memories - na biglang naiiwan sa alaala
parang ikaw - na lumisan na






OriginalContent by
Othello



#freeverse #pinoypoets #pinoypoetry


Monday, October 19, 2020

Iba na Ngayon

 



Iba na ngayon
Noon malinis pa ang hangin
Walang gasinong polusyon

iba na ngayon

Marumi na at may sakit na dala na ang hangin
Hindi na gaya ng dati rati'y masarap samyuin
Malinaw pa ang tubig noon
sa mga lawa, batis, ilog, talon, bukal, look,
maging sa malawak na karagatan

iba na ngayon

Mga anyong tubig ay mayroon ng mga batik
Ang dating malinaw na ngayoy singlabo ng putik
Naglutangan pa at nakakalat ang mga basura at plastik
kaya ang bagyo na dating mahina
lindol na pumipinsala
elnino na mainit na klima
sinabayan pa ng ,alakas na lanina
ngayon napapanahong kasalukuyan
sa ating mundoy sumasalanta
ang pang buong pandemya

iba na ngayon

dahil ang bagyo'y malakas pa sa sampung ulit
lindol na ang tindi ay humahagupit
ang init na dala ng klima, balat ay napupunit
ulang dala naman ng La NiƱa, bahang halos aabot na sa langit
kulog din at kidlat na lumalangitngit
animo'y may sumabog na bomba sa kalawakan ng langit
at ang pinakahuling nararanasan nati'y pandemyang malupit

iba na ngayon

dating magalang na ugali napalitan na rin
pagpipitagan sa kapuwa nalimutan narin
pagbibigay at pagmamahal man din
sa puso nila'y di na masasamin

iba na ngayon.




#originalContent by
James Riazo

#freeverse #pinoyBlogs
#pinoyPoets




Saturday, September 26, 2020

Yesterday's Me

 

To You, who is in the past

I blame myself for not doing things you wanted me to

I, too, blame myself for doing things you don't want me to.


But as i remember, we were in the process of becoming.

I think we were in the stage to become.

I now see we are in the stage of choosing to let go.

I don't blame you, i blame me.











I see you're happy, i hope i am too

I see you're sad, i hope i am too.

I see you're proud, i am too.

I see you're ashamed, i hope i am too.


To you who is in the past, 

always remember, i am me now

because you were me.

I miss you, and i hope to see you soon, 

or maybe not!


~ Ezra


Sunday, August 02, 2020

Mamulat Ka!


























Mamulat ka!
Mamulat ka!..
Wag mo nang hintayin,
Ang tamang Panahon,
Iwaksi mo na Ang pait Ng nakaraan mo.

Huwag mong Sayangin
Ang Buhay mo at ikulong Ang sarili mo
sa poot galit Ng Nakaraan mo.
Mamulat ka
Mamulat ka,
Hayaan mong Ang Panginoong Diyos
Ang kumilos sa Buhay mo
at gawin mo Ang nararapat para sa Pagbabago Ng Buhay mo,

Ng Pamilya mo,
Ng Pamayanan mo
at Ng Buong Bayan mo.
Isipin mong Ang Buhay natin dito sa Mundong ibabaw ay napakaikli lamang
kaya Egan,
Gugulin mo Ang Buhay mo
nang may kabuluhan
pagkat ika nga ni Kuya Kim
Ang Buhay ay Weather weather lng.

Mamulat ka
Mamulat ka!!!
Sa Panahon Ngayong Pandemya
ay ating Maiiwasan.
Kung Ang lahat ay Tulong tulong
sa Pagsulong Ng mga Preventive measurea
Sabi nga Ng Radio at TV,
Mag ingat po Tayo,
Nang sa gayoy Si Juan De la Cruz
ay Nanatiling Malusog
at nanatiling Covid Free.


Mamulat ka
Mamulat ka!!!
Simpleng Bagay Ang hinihiling Ng ating Pamahalaan
Please Stay Home and Save lives.
Pero ikaw masyado Kang pasaway.

Kaya Naman Mamulat ka
Mamulat ka.Ikaw
Ako
Tayo
Bahagi Ng Sambayanan.
Lahat Tayo ay may Pananagutan sa Isat -isa.
Sa Isip Sa Salita at sa Gawa
Siya nawa.



Submitted by Konja
#originalContent
#freeverse
#submissions


Friday, July 24, 2020

Batch 98 Nasan Ka Na?





























Hey hey hey, wazzup madlang people,
Kamiy hinubog,
Ng aming mga magulang,
sa magandang Asal,
ika nga nang kasabihan,
Always make Your Parent's be Proud of you.
Sa elementarya,
Natuto Ng mga laro Ng lahi,
sungka,
piko,
siato,
patentero,
atbp.

Sa murang Edad nagkaCrush Kay klasmayte,
Nahihiya napipikon sa tukso Ng iba.
Pero Subalit
Datapwat,o kay saya Ng maging batang muli,
Pagtungtong sa highschool,
Dito nagsimula Ang lahat lahat,
Naririnig mo Ang mga ibat ibang kwento tungkol sa pagkatao nila
Kung saan sila nakatira,
at Paaralang pinagtapusan nila.
Batch98 batch 98 Batch98,
Iyong mga boys boot pagkaliliit
at pagkapayatpayat nila,
mga girls na sobra sobra sa Johnson cologne
at Johnson Baby powder,
Mga tawanan,
sa mga kalokohan at kapilyuhan ay kakaiba,
Ang Sarap sariwain
Ang mga Panahong Lumipas na di mapantayan
Ng ngayong Pandemya.

Batch 98 Batch98,
Ikay walang kapares sa tuwituwina.
Makabayan
Makatao
MakaDiyos
Maka-kalikasan.
Sa Graduation Day,
Dito mo makikita Ang kakaibang saya,
Maiiyak ka sa lungkot at saya,
Habang tinatawag Ang name mo Ng iyong adviser para sa Pagakyat sa Stage
sa pagkuha Ng Diploma.
Saksi Ng iyong Ama't Ina.
Speech Ng Valedictorian at Guest Speaker ay Kayganda,
Very Inspiring.
Kaya Naman Saludo ako sa Batch naito,
Break it down Jo,
After Ng Pagtatapos iyong iba nagtuloy tuloy sa kolehiyo,
Sa Baguio,
Sa Manila,
Sa La Union,
At sa Laoag.
Iyong Iba dito sa Dingras,
Iyong Iba Hindi na nagpatuloy sa kolehiyo,
dahil sa kailangan Ng salapi,
Iyong iba nagbantay Ng kapatid,
iyong iba nagwork sa Manila,
Abroad.

After 22 yrs
Eto Eto Eto haha
dobidobido bidobido dibido ha.
O kaysaya saya  nang ating Sine Ng Buhay,
Ng bawat Isa sa atin,
Kayat Naman
Nakakaproud maging part Ng Batch 98.
Karamihan may mga Pamilya at professional at mga Immigrant,
OFW..
At may mga sariling Bussiness Ang iba,..
Iyong ba tulad ko rin magsasaka,
at Public Servant.
Oh diba  Mapapawow ka sa Batch namin,
Kaya Naman kamiy Nagpapasalamat sa aming mga magagaling na teacher




~Konja (original content, freeverse)

Battles






















when your feelings are numb,
and the heart is cold

when you feel like you're drowning,
in the oceans of mistakes;
the evil seems to never halt

like the perpetual darkness which you see deep below
i want you to struggle through the pain,
fight for your breath.

and when you're out in the open sand,
i'll call you a fighter
because you made it
through what seemed impossible.

and when you look back at it
tears might roll down,
but of the victory that you own.




Original content poetry by Meowter Space

Sunday, July 12, 2020

Yet Again



We are growing old
Yet again the night wind was so cold
It left me feeling blue
All the more because I needed you


To draw my destiny
With full mutiny
And distinctive veiny
Stars I cannot see



Original Content Poetry by Silver
#submissions
#pinoyPoets

Friday, July 03, 2020

Bula























Sa mundong tila ba'y isang bula
Sa isang iglap pwedeng mawala,
Ikaw, ako, siya, tayo
Alam mo ba hanggang saan patungo?
Sa panandaliang saya sa mundo,
Pipiliin mo pa bang matalo?
Kung hindi makuha ang panalo
Kakayanin mo bang makuntento?
Sa pagtahak sa pangarap ko susugal ako,
Sagot sa katanungan mula sa isip ko
Na kahit pa ako'y madurog
Na parang salamin na tila'y naging bubog
Lalaban at susugal pa rin ako,
Dahil sa bawat pagkakataong dumaraan
Hindi dapat ito pinakakawalan
Sa pagkat sa buhay na palaban
Imposibleng di makuha ang karangyaan
Bumangon tayo'y magpatuloy sa buhay,
Pintahan ito't lagyan ng kulay
Mula sa madilim na pagkahimlay
Magpatuloy tayo upang magtagumpay.




Original Content by KJODS

Saturday, June 27, 2020

Smilin Back At Me



you, undecided...


you told me, to wait.
i waited...
so long,
almost, a
decade has
passed and yet,
there you are,
still,
busy
contemplating,
either to accept
me, or
forsake my
offer for
you, to
be my
one, in
chasing...
forever.



























~ original content poetry by billymacdeus
(throwbackpoem | 90's)

Monday, June 15, 2020

Ever Grateful To You Forever More



It's been a wee bit two weeks, i am still stoked. Speechless at times.
How You blessed me, Your abounding grace - Your endless love.


The lift and boost to my confidence - You gave, without hesitation.
You answered my prayers - even amidst the darkness and chaos.


You have been so loving, so kind, and all the more caring.
Words, and even sentences cannot describe Your grand love.


For You have lifted my spirit, my body and my mind.
I came to write this - to carve again digitally, how wonderful You are.


I wanted to let the world know; those who stumble upon this page,
That You are the Almighty, all powerful God!


The God of Adam and Eve; the God of Abraham; of Jacob
Of Israel.. and the same God whom we are worshipping today.


The God of the christian church; of whom Your son has redeemed.
The God of the Church of Christ - in these last days.


I am thankful. Beyond grateful. Beyond praises.
For You have been ever true - to Your promises.






























~ Original Poetry by billymacdeus
in lieu to the abounding blessings received
#hgsLife

Wednesday, June 10, 2020

Bawal

warning: this is not to evoke thoughts of the parallel universe. read with caution and only for the entertainment of the mind, and soul.









hinahanap ko lasa mo
yung pait sa labi ko
yung usok na lalabas sa bibig ko
alam kong masama
nakakamatay pa nga
pero masarap ang bawal
ano kaya kapag tinikman ko
ang tulog na walang katapusan
masarap rin kaya?


(bawal // 101419)

Original Poetry by NDL




Tuesday, June 09, 2020

Kislap na Nawala




Isang simpleng pang aasar na nauwi sa isang lihim na pagtingin.
Ako kaya'y iyong ibigin?
Ako'y patuloy na nagpapapansin.
Ngunit nasa iba nga pala ang iyong tingin.

Makikita mo kaya?
Makikita mo kaya ang bituing may mahinang kislap?
Makikita mo kaya ang kinang na hindi makita ng iba?
Makikita mo kaya ang bituing nagtatago sa alapaap?

Masaya akong makilala ka.
Masaya akong maging kaibigan ka.   
Masaya akong nagustuhan kita.
Masaya aking minamahal kita.

Inisip kong paano kung ako siya?
Paano kung ako yung maningning at nagliliwanag?
Paano kung ako yung bituing iyong tinitingala?
Magiging tayo kaya?

Napagpasiyahan kong mas mabuti ngang hindi na kita gambalain pa.
Batid ko kasing ika'y masaya na sa kaniya.
At hindi mo na ako kailangan pa,
Kaya eto ako ngayon at ang ningning ay nawala na.




Original Content Poetry by Aeril 

Friday, June 05, 2020

Anong Ginagawa Mo?



Simula ng tumama
Salot na nagmula Sa ibang Bansa Mga tao ay wala ng nagawa Iba man ay apektado Pinilit lumabas kahit delikado Sa bantay ng lansangan tayo ay saludo Una ang ama ng bayan ang ating pangulo (PRRD) Hakbang ng iba nagtiktok Para maiwasan sobrang pagkabagot Ang iba nman mensahe ay humuhugot Makatang dila'y dagliang nahubog Samakatuwid iba iba ang resulta Nang melenyal na ngayoy pangdemya Hinahanapan pa ng lunas at bakuna Para kahit sa paanoy magaaral ay makapagaral na sila Mga estudyanteng kabataan Bahay bahay ang silid-aralan Pinapanukalang pag-aaral ay doon na lamang
Bastat may kumpyuter kumonek sa internet lamang Karamihan naman pagbili ang inaatupag Minsay pagtitinda ng produkto pagkain sa hapag Kadalasay bitamina pampaganda Kasabay Ng sumba, at nang pag eehersisyo Mga may hanap buhay sa bahay ginawa Upisina nilay kawarto oh kayay Sala Malimit sa dakong di sila magambala Ng kanilang pamilya Magpahanggang ngayon ganito ang sistema Mga driver tigil pasada muna Anu kaya ginagawa nila? Para may maipang tustos sa pamilya Anu kayang diskarte nila ngayong panahon ng pangdemya



~ Credits to James Riazo

Thursday, June 04, 2020

Ako'y Maghihintay








Binibilang ang bawat patak ng ulan Kung kailan matatapos ay hindi ko alam Katulad ng paghihintay na tila walang katapusan Hinihiling na sana nama'y masuklian Pagmamahalang ipinagdarasal na mabigyang katuparan Naranasan mo na bang matagal na magisa? Sa pagmumuni muni'y nalimutan na kailangan mo ring maging masaya Hanggang isang araw natuklasan ang tunay na ligaya ay wala na pala Tawa at ngiti sa iyong mga labi kaytagal na napawi na Ilang tawag ng pag ibig na ba ang pinalagpas? Nanghihinayang sa tuwinang maaalala ang nakalipas Mas piniling sarilinin ang panahon at ang oras Nagpaikot ikot sa gitna ng mundo na tila ang bukas ay wala nang wakas Kung tadhana'y naririnig sinasambit ng aking bibig At sakaling dumating isa pang pag ibig Na sa tuyot na puso'y muling magbibigay pintig Yayakapin ng mahigpit at ikukulong sa bisig Hahayaang ang aking damdamin ang maging musika at magpahayag ng aking himig



® Poetry by Michael Sebastian

Monday, June 01, 2020

I Love You, Life








aren't we all just messed-up pieces?
like broken shards of colored glass?
each
piece
representing a different time when we lived,
we loved,
we were alive,
and then
we were left,
shattered,
only to find we had another purpose in being left behind.
for else who could take the light from the sun and tear it apart into a million colors,
but the glass mosaics that we had become.
and now when the light passes through,
selected,
but our torn hues.
the myriad colors of the unbeatable sun,
dancing,
with glee.
then,
for any who looked within us,
or beyond where the light hit the ground they would see,
glinting and shimmering,




® Original Poem by Meowter Space

Sunday, May 31, 2020

Quarantined





Pagtakbo ng oras na tila'y walang humpay 
Sa isang gabing malamig ang simoy, 
Dala'y samyo ng tubig alat 
Sa pigurang nakatingala sa alapaap. 
Itinuwid ang bola ng sinulid Patungo sa mga bituing marikit. 

Dalawang mata'y ipinikit; 
Payapang inalala ang lahat ng mga pasakit. 
Kinimkim nang ilang dekada, 
Sa pusong napuno ng takot at pag-aalala. 
Nag-aalab ang poot at pagkasi, 
'Di mawari kung alin ang magwawagi. 
Tila ako'y nasa isang teatro. 
Patuloy kong ginagampanan ang karakter na inilaan, 
Kung saan ako'y isang hamak na tumitingala 
At inaasam ang isang bituing marilag. 
Sa pagpapatuloy ng palabas, 'Di ko sukat akalaing ako'y masisilayan, 




Pinansin, 
inalagaan, 
at hinagkan. 




























Ang puso'y napuno ng kapayapaan at kagalakan. 
Kay bilis ng panahon, 
Dumating ang isang daluyong. 
Sa akin siya'y nanlamig at inagaw Ng isang magnanakaw. 
Hinarap ko siya't tinanong dahil sa aking pagdaramdam. 
Sinabi niyang hindi naman talaga niya ako mahal; 
Naburyo lamang siya sa kanyang tahanan Kaya't ako'y kaniyang pinaglaruan.


Napakabilis ng pangyayari, 

Akala ko'y ikaw na hanggang sa huli. 
Akala ko'y ikaw ang magiging kabiyak. 
Akala ko'y ikaw ang magpupunan sa aking pusong wasak. 

Masasabi kong ako nga'y nasa isang teatro. 
Hindi ko batid ang mga maaaring mangyari. 
Ang mga salitang maiuusal ng bawat mga labi 
Ay pawang nais ng bawat isa sa amin. 
Isang palabas muli ang naglaho. 
Mapait ang naging pagtatapos. 
Isa sa mga karakter ang hindi nagmaliw ang pag-irog nang taos, 
Sapagkat ang puso'y piniling maging bilanggo.






Original content poetry by Aeril

Saturday, May 30, 2020

Bulag ( A Covid19 Poem From The Perspective Of A Gen Z)






























Mula sa sakripisyo ng mga front liners
Kailan kaya magwawakas ang pagtulo ng mga luha
Buhay na nawala dahil sa kalabang di nakikita,
Kailan kaya muling sisikat ang panibagong umaga?


Tulong doon tulong dito,
Iyak doon iyak dito,
ang bulsa ng gobyerno tila ba'y naging gasgado
Paano na kaya kung mawalan na ng pondo?
Paano na kaya kung sumuko na ang mga nagsasakripisyo?


Paano nga ba natin kakaharapin ang ating sariling anino?
Sino nga ba ang tunay na kalaban natin dito?
Gobyerno? O tayo mismong mga mamamayang Pilipino?
Paano tayo makakabangon kung patuloy lang tayong aasa sa pulitiko?


Mula sa laban na ito, na luha ang simbolo,
Bumangon tayo at patuloy na maging disiplinado,
At kung ang may likha ang ating magiging sentro,
Tiyak na tayo ay panalo sa labang it.




~ Original content by KJODS

Thursday, May 28, 2020

Missed Connections Part 1


Our eyes locked...
it was awkward
my heart thumped
so fast
i felt like a lion
leaping out
to give you
a fierce hug

you flashed
your pure white teeth
your eyes
smiled and so sincere
it was dancing
erotically
but in a discrete way
asking, questioning, waiting

i brushed my arms
incidentally
in a non essential way
to check
the thermometer
if you would give in
to my body's dictation





you were amazed
you set the trap
you walked..
slowly, lookin me back
with a wink
seducing
your eyes, so wonderful

i followed you
i cornered you
i was about
to give a buss
addicted
by your eyes flashing
with mischief

but you smack me
with your hot lips
so hot that i quivered
with ecstasy
i came uncontrolled
with our locked embrace
so hot that i almost fainted

slowly...easily
you lowered your lips
down to my neck...
squeezing my ...


(to be continued...)




® Poetry by MoonShot
(original content submission)

Tuesday, May 26, 2020

Healing




























the thing about healing is that you don't know you've healed
till the same things don't make you cry anymore.  

and the thing about abusers is that they say the same things, 

prick the same wounds over and over again, 
till your scars begin to look like symbols of your victories 
rather than the remnants of a war.  

but your body is not a battlefield, 
it is not a graveyard of everything you lost. 

all blood and sweat and dreams 
of how the only storms we need to come out from 
are the ones inside us. 

you are music even in the noise. 

you are the kind of poetry we only dream about.



~Credits to Meowter Space ( submission )