Saturday, May 30, 2020

Bulag ( A Covid19 Poem From The Perspective Of A Gen Z)






























Mula sa sakripisyo ng mga front liners
Kailan kaya magwawakas ang pagtulo ng mga luha
Buhay na nawala dahil sa kalabang di nakikita,
Kailan kaya muling sisikat ang panibagong umaga?


Tulong doon tulong dito,
Iyak doon iyak dito,
ang bulsa ng gobyerno tila ba'y naging gasgado
Paano na kaya kung mawalan na ng pondo?
Paano na kaya kung sumuko na ang mga nagsasakripisyo?


Paano nga ba natin kakaharapin ang ating sariling anino?
Sino nga ba ang tunay na kalaban natin dito?
Gobyerno? O tayo mismong mga mamamayang Pilipino?
Paano tayo makakabangon kung patuloy lang tayong aasa sa pulitiko?


Mula sa laban na ito, na luha ang simbolo,
Bumangon tayo at patuloy na maging disiplinado,
At kung ang may likha ang ating magiging sentro,
Tiyak na tayo ay panalo sa labang it.




~ Original content by KJODS

No comments:

Post a Comment