Saturday, May 23, 2020

Covid19, Kelan Ka Lilipas?
























Ano ba'ng nangyari?

Waring lahat ay nagbago, sa isang iglap.
Subalit sa bawat sulok nitong tahanan nami'y walang pinagbago.


Ang kasaysayan, muli na naman bang mauulit?
Pandemyang, ngayo'y lumalaganap sa panahong 'di inaasahan, ni sa hinagap
ito'y magaganap.


Ngunit ang nakakalungkot... gamot at lunas ay sadya pang mailap

Sa kabilang panig naman, unti-unting luminis ating kalikasan
Dulot niyaon ay magandang balita sa likas-na-yaman
Maging nang mga hayop at ng mga halaman

Ako rin baga, ay naiinip na!
Naiinip na! pati mga tao, sa bagal ng oras

Madalas na itanong sa likod ng isipan
"Gaano pa katagal bago ka lilipas?"
Maraming araw na ang nagwakas, sa isip at diwa'y matapos na kaya ito bukas?


Sino ba ang nakakaalam anong dulo nito?
Ni ang kahihitnan nating lahat, nitong paligid at nang buong sanlibutan Lahat ay nakabinbin, naghihintay, nag-aabang.
Kelan ka magwawakas, Covid-19?




® Poetry by
James Riazo

No comments:

Post a Comment