#OriginalContent by Joem (di.oh.em)
Nasaan si Andres?
wala sa maragondon kahit na baligtarin at hukayin, o sa tondo, tutuban ma'y halughugin. nasaan si andres? na sa sistema'y gigiba ngayon tayo'y sakal sino ang mauuna? nawawala ba si andres? wala na nga ba o tikom ang bibig tinikom, pinatahimik ng pilit ngunit paninindiga'y hindi mapapatid paos,taas kamao kapit kapatid nasaan si andres? hindi siya tao na buhay ngayon siya ay sila, ikaw ako tayo na iyon. walang andres sa makabagong panahon may mga andres na titindig ngayon. nawala ba si Andres? nasa puso ng bawat maralita sa loob ng mga himig ay magsasalita sisigaw, bubuwagin yaong sistema hihiyaw susuwagin punong pasista ako si Andres at siya ay ikaw tayong maralita ang ngayo'y titindig habang tinitikom ay lalong kakawala ang bibig sa dulo ng dilim ay babalik ang araw. Nandito si Andres at hindi siya kailanman mawawala hanggat may pang-aabuso't pananamantala hangga't inang baya'y nagdudurusa tuloy ang katipunan ng tunay na masa. bilang pagkilala sa ama ng himagsikan at katipunan, Gat Andres Bonifacio
#submissions
#poetry
No comments:
Post a Comment