Socorro
isang tula para sa isang mapagmahal na Lola
antagal na kitang di naramdaman,
ni kahit sa panaginip di ka man lang dumadalaw
kahit sa gunita, parang nakalimutan mo na ako...
2012 - nang ikaw ay pumanaw...
ako'y nalungkot, umiyak at humagulgol
akala ko'y wala nang katapusan-
ang nadarama kong kalungkutan
subalit totoo pala ang sabi ng ilan-
ang panahon ay nakakapaghilom
ng sugat...
mga sugat na iniwan ng nakaraan
ngayo'y bigla kitang naalaala,
nagmessage ang nanay ko-
sinabing death anniv mo pala
ako'y nabigla at napatigil...
parang kailan lang, nang ikaw ay pumanaw
dagli kong naala-ala
ang yong suot na mahabang saya
sa tuwing may pagsamba
kayganda mong pagmasdan-
pinuri pa nga kita noon,
habang tayo'y papunta sa kapilya
naglalakad, at ikaw ay napatawa
nagunita ko tuloy ang 'yong ngiti
na siyang nagbigay sakin ng pag-asa
pagkat kung may lumbay at hapis man noon
yaon ay pawang nawawala, sa 'yong masaganang pagkalinga
malapit na akong grumaduate noon sa college,
pangako ko sa aking sarili, ililibre po kita
itre-treat sa jollibee, lalabas at kakain at mamamasyal
subalit di mona pala ako maaantay...
bigla kang pumanaw,
ni dika man lang nagpaalam...
ngunit ako, ako'y naging saksing buhay
kung paano mo kami iniwan.
masakit man sa aking damdamin
subalit kailangan kong tanggapin
ngunit masaya ako, sa kabilang banda
pagkat natapos mo ang 'yong takbuhin
alam kong naging busy na ako...
di na kita nadalaw sa 'yong puntod
tuwing ako'y umuuwi sa probinsya..
pasensya kana..
nais ko rin sanang sabihin
na kung andito kalang...
ikaw' sana ay lululan
sa aking sasakyan
di kana maglalakad,
papunta sa palengke
o pag bumisita sa 'yong mga kaibigan
pagkat ika'y ihahatid ko, upang dikana mapagod
pero alam kong payapa ka na diyan
kung saan ka man nakahimlay
ang alam ko, magkikita pa rin tayo
pagsapit doon, sa bayang banal.
ˆbillymacdeus ®️
(why am i being so emotional while writing this?, i thought the pain and heartache have long gone but the truth is, it's still there. Or, am i just feeling emptiness and longing?) - 🤜🤛 tell me your thoughts!
No comments:
Post a Comment