Earth - 4.543 billion years old
Man - 6 million years old
Sana kung nababasa mo ito, maging responsable tayo sa paninirahan dito sa mundong ibabaw. Mga simpleng bagay na dapat gawin tulad ng listahan sa ibaba - nawa'y magawa mo ng buong puso.
- Itapon ang basura sa tamang lagayan
- Wag nang ikalat pa sa kung saan-saan (kahit gaano kaliit man ito tulad ng candy wrapper)
reddit image grab - climate crisis advocate |
- Limitahan ang paggamit ng plastic
- Hanggat maaari, wag bumili ng mga bagay o nakabalot sa plastic - limitahan ang paggamit sa mga ito, sapagkat habang may kumukonsumo, mas nagkakaroon ng need ang mga manufacturers para gumawa pa. Kung at least mabawasan ang paggamit, bababa din ang rate ng paggawa ng plastic
- Kung nasa tindahan ka at ibinalot ni ate/kuya ang binili mo ng plastic - ibalik nalang ang balot at hanggat maari ay magdala ka ng eco-friendly bag (tulad ng recycled bags o bayong o paper bags)
- Bawasan ang paggamit ng bottled water na plastic. Wag nang bumili hanggat maaari. Magdala ng sarili tumbler (carry-on thermos). Nakaka-save kapa ng pera kung di ka bibili ng plastic bottled water.
- Ugaliing malinis ang ating kapaligiran.
- Mag-tanim ng puno. Sana taon-taon nakakapagtanim ka ng puno, kung wala kang time, try mong sumama sa mga tree-planting activities or ung mga buto ng pinagkainan mong mga prutas, i-try mong itanim 'yun. There's 80% chance na tutubo siya para maging isang puno. Kwento ko lang, ung buto ng avocado, 🥑 na itinanim ko noong September this year, halos kasintangkad kona ngayon. Yung isang tumubo pa, mas matangkad na siya saken. Ngayon may shade pa ako sa harapan ng bahay.
Mga simpleng bagay na kung maging consistent tayo upang sundin ang mga ito, nakakatulong kahit papaano upang maalagaan natin ang ating kalikasan on a personal level.
ˆbillymacdeus
No comments:
Post a Comment