Ako'y Iyong Hinirang
guestpost by Lanz Aidan
Ama na aming Diyos, purihin ka!
Sapagka't isang taon muling iningatan,
Isang taong muling kami'y pinagpala,
Na hanggang ngayo'y iyong hinirang.
Ngayon ay nagdiriwang ang iyong bayan!
Umaawit kami ng papuri mula sa aming puso
Nang ika'y mabigyan ng ibayong kagalakan!
Kami'y mananatiling tapat sa piling mo.
Sa iyo kami ay nagsusumamo, Ama, dinggin mo.
Hirap at hinagpis ay iyak ng sanlibutan
Ngunit, kami'y patuloy na tinulungan mo,
Kami'y pinagpapala sa kabila ng kahirapan.
Salamat, Ama, hindi mo kami itinatakwil
Sa kabila ng aming maraming pagkakasala at karumihan.
Sa iyong pagpapahinuhod, hindi ka tumitigil,
Banayad mong nililinis kami sa aming kasalanan.
Ama, kailanman ay hindi kami naging dapat sa iyo,
Sa iyong pagmamahal na dalisay,
Ngunit kami'y minarapat mo.
Aming buhay nagkaroon kabuluhan at saysay.
Ama, muli mong ingatan ang iyong mga anak.
Tulad ng aming inawit, muli kaming maglalakbay.
Ama, iyong masdan aming mga yapak,
Nang aming marating ang inaasam naming tagumpay.
Ang tahanang inihahanda mo sa amin,
Na aming pinaka inaasam marating,
Ito ay tagumpay sa amin,
Sa Bayan Banal ikaw ay aming makapiling.
Lanz ®️
for Year-end Thanksgiving 2019
No comments:
Post a Comment