Araw-Araw
Sa tuwing nasusulyapan kita'y
Hindi mapigilang maluha ng onti,
Sa tuwing nasusulyapan kita'y
Mga alaala ay nagbubunga ng dalamhati.
Dating mga ngiti ay wala na,
Parang bula na biglaang naglaho.
Dati'y lahat ay maayos pa,
Ngunit ngayo'y tuluyang gumuho.
Masakit isiping tapos na,
Mahirap tanggapin ang katotohanan,
Katotohanang masakit sa mata,
Ngunit ito ay tatanggapin na lamang.
Maaaring masaya ka na sa buhay mo.
Marahil nabawasan ang bigat na iyong dala.
Wala nang dilang mahilig magtago,
Wala na ang ugaling parang bata.
Nais ko lamang na ika'y lumigaya
Pero salungat ang aking naibigay,
Salungat sa ninanais magawa.
Paumanhin sa mga lumbay.
Araw-araw kong kinakaya,
Araw-araw ko rin sinusukuan.
Araw-araw pinipilit sumaya,
Araw-araw nalulunod sa kinalalagyan.
Hindi mawala sa aking isipan
Lahat ng kaligayahan natin,
Lahat ng pagsubok na ating nilagpasan,
Lahat ng pagkakataong ikaw ay akin.
Guest Post From Aidan
(He authors this personal blog In FB: “Silakbo Sa Balintataw”
No comments:
Post a Comment