Tuesday, November 02, 2010

Pagnanasa





itikom mo ang 'yong bibig
sa pagpanaw ng dilim
upang 'di mamutawi
sa labi mo ang panaghili

itiklop mo ang 'yong mga mata
sa liwanag ika'y 'wag masilaw
bagkus ika'y lumakas
sa dulot nitong pag-asa

yakapin mo ako
sa gitna ng hinaing
pawiin mo ang dusa
at maparam itong pagluha

hawakan mo ako
sa aking kanang kamay
ikaw ay 'wag nang bumitaw
upang ako'y di na mawalay

liwanag mo'y huwag alisin
sa daan ko'y tanglawan
lagi na'y sumama ka
at 'wag nang lumisan pa






This is my first "tula" after a soooooooo long hiatus of composing Tagalog poems. Prior to this was back in my high school days. I'm yearning that creating this tagalog version would enrich the POEMS101 category on my blog. So expect more, as i squeeze juices from my tagalog vocabulary in my succeeding posts.




~mAc

2 comments: