Monday, December 24, 2018

Blame




Everything seemed alright,
Everything was insight,
But it seems to get tight,
You seem to be out of sight.

It was all my fault, my dear,
The dramas you always hear,
The nights that your eyes tear,
It was everything that I fear.

Didn't mean to drop the plate,
Didn't mean to change our fate.
Maybe I'm too late,
Too late to catch your plate.

In a distance, I saw your smile,
It was bittersweet from a mile.
I haven't heard your voice for a while,
My eyes seems like the river Nile.

Forgive me if I have failed us
For I was stranded in my chaos.
I hope there will be no fuss
Between the two of us.

I'm delighted to see you're happy,
Though I'm not the reason for it, frankly,
It's good too see you're still witty,
Good to know you still have that beauty.

I'll be fine with my life, my love.
I'll seek inner peace and the white dove.


Guest Post From Aidan
(He authors this personal blog In FB: “Silakbo Sa Balintataw

The Private House - Batangas 2018 (Part 1)

The Private House
August 25, 2018
Beach Resort in Calatagan Batangas


The following post was a "side-trip", i would say, courtesy of the leadership strat planning of the company i work for. 

For the record, this article is for the sole purpose of my own opinion and not from the company.

I was able to squeeze in some shots (beautiful) of nature and the panoramic view of the this splendid resort.

Why only post now? I woke up today where the sea is seemingly trying to call me - was it because of the December Breeze (hanging Amihan)? I guess so, that's why the inspirational sparkle came to mind scrambling through my old photos and keep it afloat here in this blog, for the sake of  memories and appeasing the need for vitamin Sea. 😆



The Private House - is a glamorous architecture, standing on its own with the bluey-green seashore backdrop, atop the skies draping it like an endless panoramic view of the horizon.






While the view outside is definitely a plus, I'm also impressed by the lawn's oversized garden and the minimalist trimming and placement of trees, shrubs and grassy greens.



While my narrative is crisp and unflowery - I must say with magnified conviction that this is a goto place, not only for retreats but for family bondings, barkada trips and even romantic weekend getaways kind of stuff if you wanna be solo with your special someone.


Hit the link on their FB Page for the rates, room accommodations and buffet food trips.

The Private House Facebook Page









The rabbit pic (hahaha!) is just a Bonus - it just so happened that i saw a local vendor walking with a cart while doing my jogs around the area.








_billymacdeus


(special Thanks to Tini Duran and Jeffrey De Jesus)

Araw-Araw





Araw-Araw


Sa tuwing nasusulyapan kita'y
Hindi mapigilang maluha ng onti,
Sa tuwing nasusulyapan kita'y
Mga alaala ay nagbubunga ng dalamhati.

Dating mga ngiti ay wala na,
Parang bula na biglaang naglaho.
Dati'y lahat ay maayos pa,
Ngunit ngayo'y tuluyang gumuho.

Masakit isiping tapos na,
Mahirap tanggapin ang katotohanan,
Katotohanang masakit sa mata,
Ngunit ito ay tatanggapin na lamang.

Maaaring masaya ka na sa buhay mo.
Marahil nabawasan ang bigat na iyong dala.
Wala nang dilang mahilig magtago,
Wala na ang ugaling parang bata.

Nais ko lamang na ika'y lumigaya
Pero salungat ang aking naibigay,
Salungat sa ninanais magawa.
Paumanhin sa mga lumbay.

Araw-araw kong kinakaya,
Araw-araw ko rin sinusukuan.
Araw-araw pinipilit sumaya,
Araw-araw nalulunod sa kinalalagyan.

Hindi mawala sa aking isipan
Lahat ng kaligayahan natin,
Lahat ng pagsubok na ating nilagpasan,
Lahat ng pagkakataong ikaw ay akin.




Guest Post From Aidan
(He authors this personal blog In FB: “Silakbo Sa Balintataw

Sunday, December 16, 2018

Other-Sad




Other-Sad


(maikling kwento sa panulat ni Arah Rue)


Maka-sampung beses nang binabalik-balikan ni Sarah ang FB Messenger sa loob ng limang minuto. Tinitingnan kung nagreply na si Marcus.

Subalit wala pa rin.

Pilit na sinasabi sa isipan ni Sarah ang mga katagang -  "on-line naman siya ah, ba't kaya di siya nagrereply?"

"Siguro, may ka-chat siyang iba or may ka video-call".

Hindi naman niya boyfriend si Marcus para umasta siyang kailangang agad-agad magreply ang tao. Ang kaniya lamang ay, sana maging sensitive naman ang lalaki dahil napasarap ang chat nila kanina - pinag-uusapan nila ang mga bagay bagay ukol sa lovelife at ang huling tanong niya na 'di na sinagot ay kung kelan balak ni Marcus magka-lovelife uli.

Para siyang iniwan sa ere. Kase alam niya deep inside na mukhang type siya ni Marcus, at tinatago lamang niya ang matindi ring pagka=crush niya para rito.

Maya't maya'y, umilaw ang smartfone - may nagmessage ayon sa notification. At si Marcus nga, dali-dali niyang binuksan at binasa.

"Baby... papunta  na ako sa bahay niyo, wait me ng 15-20 mins"

Kumunot ang noo ni Sarah sa nabasa. Ilang segundo lang, nasundan uli.

"Sorry, wrong window"

"Talk 2 you soon, will explain. May pupuntahan kase ako. tc"


Hindi namamalayan ni Sarah na halos mag-bleed na ang LCD screen sa pagkakahawak at pagkakadiin ng kamay niya sa Oppo phone, dahil sa magkahalong inis at panghihinayang.





© Arah Rue

Saturday, December 15, 2018

Pasalamat Bago Matapos ang Taong 2018



Halos matatapos na naman ang taong ito
‘di ko namalayang kaytuling lumipas ang mga araw
nagdaang parang kaybilis noong ako’y mayroong hinihintay
nagdaang parang kaybagal noong mga bagyo sa buhay ay dumatal
lahat ng aking naranasan: mga ligaya at pait ng buhay
ay muli na namang mababaon sa alaala ng kahapon

Subalit ‘diko sukat akalain, na sa dinami-dami
ng mga taong nasasawi at pumapanaw sa araw-araw
ako’y malakas at buhay pa, taglay kahit papaano ang ngiti at sigla
Na sa mga panahong ako’y nagkasakit, saglit lang iyon -
gumaling kaagad mula sa karamdaman
sa tulong at patnubay na ‘di matatawaran.

Dumating din ang mga sandaling halos ‘di ko alam ang aking gagawin
sapagkat magkabilaan, sunod-sunod ang pagbisita ng mga tiisin
Nandiyan ang hirap ng kalooban
Nandiyan ang kakapusan kung minsan
Sumagi din ang halos kawalan ng pag-asa
Maging ang bingit ng kamatayan
Ang kurot sa puso ay parang di na yata lilipas
maging ang pagluha ay tila ‘di na maputol sa pag-agos


Salamat na lamang, at mayroong Panalanagin


Sa bawat paghakbang at pagtitiwala
hindi lamang sa sandali ng kalungkutan, maging sa kapayapaan
ay dumarating din ang kaligayahan
na kung sa akala ko’y dina matatapos ang pighati
masisilayan pa rin ang ngiti sa mga labi
Na anupa’t ang lahat ng mga ito -
ay pawang mga karanasan, karanasang magpapatibay
sa puso at damdamin ng isang tao.


Sa isang sulok ng aking puso at pagkatao,
sumisinag ang nag-uumapaw na kagalakan
lumalaganap sa aking kabuuan, ang mga katagang pagpapasalamat
na sa tuwina’y patuloy nalalasap - noon pa man, sa simula’t simula
magpa-hanggang ngayon - pagkat ako’y hindi pinabayaan.
Salamat po Ama, Salamat po Ama.





_billymacdeus



inspired by:

“life and the echoes of the heart: thanksgiving forevermore”