Saturday, April 20, 2019

Sapagkat Mayroong Pag-asa





Ang gabi ay maging napakadilim man
Masarap pa rin ang magpahinga ng walang agam-agam
'Yung pipikit ang mga mata sa gitna ng karimlan
Na natapos na ang araw...
Umaga naman ay muling masisilayan


Masarap abangan ang kasunod na pagtupad
Pinananabikan saanman mapadpad
Masarap din tuparin ang tungkulin kapag may suliranin
Lalo na kapag alam mo na ang Ama ay sasama sa atin


Huwag kang matakot sa mga pagsubok
Ang Ama ay aalalay, at tutulong sa iyo ng lubos
Iingatan Ka niya sa gitna ng unos
Pagtatagumpayin ka sa lahat ng lunos



Guest Post From James Riazo
Check his FB Profile on the link above

No comments:

Post a Comment