- billymacdeus ®️
- billymacdeus ®️
Walking offers numerous benefits that often go unnoticed or are under-appreciated, beyond the well-known advantages of improved cardiovascular health and weight management.
But before we dive in to the lesser-known benefits of walking, allow me to share my stoked-moments of using my Onitsuka Tiger 3-stripes slip-on, which complements positively on my 3 - mile walk. As seen in the picture, it depicts the aura of like walking on air. Hahahahaha! I may be exaggerating but really, no, I am just stating the facts.
While walking is often viewed simply as a means of transportation or a basic form of exercise, it offers a multitude of benefits that extend far beyond physical fitness.
Incorporating regular walks into your routine can enhance various aspects of your life, from mental clarity to social connections and overall well-being. So, step outside and enjoy the many hidden rewards that walking has to offer!
... and don't forget to wear your favorite shoes! It'll boost further your endorphins.
- billymacdeus ®️
Sa gitna ng mga iba't ibang pangyayari sa mundo ngayon, tulad ng:
- karahasan
- digmaan
- tagtuyot
- pagbaha
- kalamidad
- climate change
- at iba pang mga kauri nito,
Ang Diyos ng mga Iglesia Ni Cristo ay may inaasahan sa Kaniyang mga hinirang -- "ito ay ang patuloy na magbigay ng kasiyahan sa Diyos ang Kaniyang bayan". Ang bayan na tinutukoy dito ay ang mga kaanib sa INC sa mga huling araw.
Bakit ito inaasahan ng Diyos sa mga kaanib sa INC na patuloy na magbigay ng kasiyan sa Kaniya? - sapagkat dito nabubuo ang tunay na pagtitiwala, dito nagiging dalisay ang pananampalataya --na ang Diyos ang Siyang pumapatnubay sa atin sa landas kung saan tayo lalakad -- noon at ngayon, kung saan higit Siyang kailangan dahil sa mga nagaganap sa kasalukuyan.
Siya ang pumuprotekta sa bawat hinirang; kung wala iyon, kapahamakan ang naghihintay sa buhay pa lamang na ito.
Ang isang halimbawa na lingkod ng Diyos kung saan ipinakita niya ang pagbibigay kasiyahan ay si Haring Hezekiah - ginawa niya ang mabuti at tama. Nagpumilit siya na sumunod sa Dios - sa batas nito at mga tuntunin (laws and rules), higit sa lahat, maging ng mga kalooban ng Diyos. Kaya, napakabubuting bagay ang nangyari at natamo ni Haring Hezekiah.
Bilang isang tagasunod ginawa niya ang pagsunod ng taos sa puso, buong kaluluwa, at itinalaga ang buong pagkatao. Siya ay matuwid na lingkod ng Diyos -
- nabubuhay sa pananampalataya
- matibay ang pananalig
- iginagalang ang kaugnayan ng tao sa Diyos (sa mga banal na bagay, at sa mga banal na kasiglahan)
- hindi umuurong, hindi tumatalikod
Ipinapaalaala ng mga apostol kung paanong mabigyang daan ang patuloy ng pagbibigay kasiyahan sa Diyos:
- huwag gumaya sa mga kultura ng sanlibutan. (Maging maingat at matalino kung saan naka-anchor ang inyong mga paniniwala at mga idea, baka nahihikayat na kayo ng mga maling "influencers" - na kaibayo sa mga aral ng Diyos).
- hayaang baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip, upang mabuhay kayo ng naiiba - at malalaman ninyo ang mabuti - "kung ano ang makapagbibigay kasiyahan sa Kaniya".
Pangako ng Diyos sa nagbibigay kasiyahan sa Kaniya:
- Patuloy kang papatnubayan.
- Bibigyan ka ng kasiyahan sa buhay na ito gaya ng isang bukal ng tubig na hindi nawawala.
Maraming mga kaanib sa INC ang gumagawa ng pagbibigay kasiyahan sa Diyos - lumalakad ng matuwid, nabubuhay at pinapangasiwaan ang kaniyang pananampalataya na karapat-dapat sa Diyos, nagbibigay ng kaluguran at sinusunod ang kalooban, nagbubunga ng mga mabuting gawa, puspos ng pananalig, may kabatiran kung bakit kailangan niyang sumunod sa mga utos, at may malaking pagkakilala sa kahalagahan na mailapat ang sarili sa kagustuhan ng Diyos
Kung ang mga ito ay napagtatalagahan, susunod at mga biyaya, at mga pagpapala.
Hindi naman kailangan ng Diyos ang mga biyaya, bilang mga tao tayo ang mapagkailangan, tayo ang nangangailangan, kaya marapat lamang na kung gusto nating makamtan ang mga biyaya, ilakip natin ang pagbibigay ng kasiyahan sa Kaniya.
Ang payo upang maitaguyod ito ay - "maging malakas ka at huwag matakot". Ang halimbawa pa ng Bibliya ay si Haring Asa - na gumawa ng mga reporma, inalis ang mga diyos-diyosan; at dito'y nasiyahan ang Ama sa kaniya.
Ang Diyos ay hindi mapagkait, hindi Siya mahirap na magbigay - 'wag sanang mabigo ang mga lingkod Niya sa mga kailangan natin sa buhay. Sapagkat tinutulungan Niya ang mga may ligalig, nabigo at nabuwal, nagbibigay Siya ng sapat, nabibigay ng pangangailangan -- kung nakapagbibigay tayo ng kasiyahan sa Kaniya - gagaan lahat ng ating mga pinagdaraanan sa buhay, dahil kasama natin Siya.
- billymacdeus
(notes taken during the worship service officiated by Brother EVM - April 28, 2024)
Ang panahon natin ngayon ay majorly influenced ng social media, mobile phone usage, at internet. These three factors primarily drive our mindset kung ano ang papaniwalaan at hindi.
Sometimes the noise out there in cyberspace cannot be drowned-out by our moral compass because of constant exposure to technology, every minute, every hour… we try to check for messages, notofications, reddit feeds, fb memes, etc. dahil within our reach ang teknolohiya.
Dahil dito, nagkakaroon ng mental skewness, kung… hindi marunong mag filter ng mga nababasa, napapanood, at naririnig sa social media. Which eventually piles up leading to mental distress.
Social media is a great amplifier in positive or negative ways, that when the negativity seeps in, it will destroy mental strength to see through what is correct, and upholding what is within the bounds of righteousness.
Sun Life Philippines shared through email a reminder in general about caring mental health in difficult time. Here's a verbatim from the email:
1. Recognize the Emotional Impact.
- During challenging times, it's normal to experience a range of emotions, from anxiety to sadness. Recognizing these emotions is the first step towards healing.
2. Seek Support
- Don't hesitate to reach out for support. Talk to friends, family, or professional who can offer a listening ear and guidance.
3. Self-Care Strategies
- Engage in activities that promote well-being, such as exercise, meditation, and hobbies you enjoy.
4. Talk to the Children
- Children may also be struggling with their emotions. Have open conversations with them, offer reassurance, and provide a safe space for them to express their feelings.
If you know someone who’s having a mental uneasiness, take time po to assist and talk: baka kapamilya mo, nag-iisip na palang magsuicide, baka kaibigan mo — may signs of unhealthy mental health na pala.
Be there! An ear and shoulder to lean on…
ˆbillymacdeus ®️
Dear fellow brethren, maaaring hindi ka po nakapagtala kanina habang nakikinig sa texto ng Ka Eduardo.
Here's an excerpt, highlights, and some quotable quotes I was able to capture while listening to the sermon officiated by none other than the church's present administrator -- Brother Eduardo V. Manalo.
"Hangad kong makarating tayong lahat sa kaligtasan, hindi lang ako, higit sa lahat, ang ating Panginoong Diyos"
"Tiyaking nakapananatili sa kahalalan"
"If your faith is not strong, you cannot stand firm... walang kalakasan, 'di makapanatili, 'di makatayo.. hindi sapat na kaanib lang sa Iglesia Ni Cristo"
Masasagupa:
- isang sakuna... nakapang wawasak, nakapipinsala, kakaibang sakuna, tumatayong mag-isa...
- darating ang wakas! kung ang wakas ay malapit na sa panahon ng mga unang Cristiano, mas lalong malapit na sa ating panahon ngayon--- panahong nating nasa mga wakas ng lupa.
Ang sinabi at habilin ng Panginoong Jesus:
- sinunod mo ang aral
- iningatan ang salita
- hindi isinuko ang pananampalataya ("Never surrender")
- katatagan
- katiyagaan ("hindi 'yung madaling mawalan ng pag-asa")
- Jesus: Iingatan kita sa panahon at oras ng ligalig, pagsubok, at pagsusulit na darating or dumarating na susubok sa sanlibutan
"Mahalin, at patibayin ang kahalalan"
Ang pangaral ni Apostol Pablo:
- "kami ay tiyak na mamamatay" (totoo 'yan, ganun din sa atin)
- "nangyari ang mga bagay na ito upang matuto kami na huwag manalig sa aming sarili"
- "matuto kaming sumampalataya sa Diyos, na siyang nagpapangyari na bumuhay ng patay"
"magpakatatag tayo sa ating pananampalataya"
Kung ang isang anak ay nakapagdudulot ng kasiyahan sa sa kaniyang magulang, ibibigay ng isang ama/ina ang bagay na kahit sana ay sa kaniya na, para patunayan ang pagmamahal niya sa kaniyang anak.
"huwag mong pagtiwalaan ang iyong sarili, magtiwala sa Diyos, sumampalataya at pakinggan mo ang tinig ng Diyos"
"Siya ang magpapanatili sa iyo sa tamang landas"
Ang kalaban ng pananampalataya: pag-aalinlangan / doubts
- humingi ng pananampalataya sa Diyos
- nang wala, kahit isa mang pag-aalinlangan (hindi katulad ng alon / like waves in the sea, tossed back and forth - huwag lumapit sa Diyos na ganyan ang isipan)
- dapat matibay ang pananalig sa utos Niya, at ang mga hiniling mo sa Kaniya.
- huwag mong piliting unawain sa iyong sarili ang lahat ng bagay.
- pirmi sa panghahawak ng aral
Pag-aalinlangan (extended definition/scope)
- mabilis maging taksil
- lumipat ang katapatan sa iba
- salungat na ebanghelyo, anumang ibang nagpapakilalang dalisay na ebanghelyo... na gumagambala, nagpapalito, upang pasamain, pilipitin ang ebanghelyo ng Messias
"sa panahon natin ngayon, lalong mag-ingat sa pananampalataya, safeguard our faith"
Paano maghanda (sa mga sakuna, at sa darating na wakas)?
- makakaranas kami ng mga ligalig... na siya ring tumutulong sa amin upang mang-hawak kami sa magagawa ng Diyos. (learning process)
- kahit ano pa 'yan, mayroon akong Diyos, tunay na Diyos, walang imposible sa Kaniya.
- ang Panginoon ang pumapatnubay sa atin sa landas na aking nilalakaran, Siya ang pumuprutekta sa akin...
- patuloy na magbigay kasiyahan sa Diyos
- kung sila'y mabuwal, 'di sila nananatiling nakabuwal/nakadapa, sapagkat ang Panginoon ang tutulong sa kanila.
"huwag pumayag na mag-alinlangan sa Diyos, sapagkat ang Diyos natin ay totoo, walang imposible sa Kaniya"
- O Dios, pakitunguhan mo po kami nang may kagandahang loob, ikaw po ang tangi naming pag-asa.
- Sa pagsisimula ng umaga, tumuon ka sa amin, tulungan mo po kami....
_________________________
note to the reader:
The above texts and content were noted real time while the author listened to the sermon of Ka Eduardo V. Manalo, there may be some slips, and verbatims may not have been captured fully.
Putting this online is for the purpose of ensuring the message is remembered, creating retention to the memory of the author, and as a way of spreading the good news to the world (anyone who would stumble upon this page, INC or non-INC members alike).
If you have clarifications, please message me → collabs@billymacdeus.com
billymacdeus ®️