Sa gitna ng mga iba't ibang pangyayari sa mundo ngayon, tulad ng:
- karahasan
- digmaan
- tagtuyot
- pagbaha
- kalamidad
- climate change
- at iba pang mga kauri nito,
Ang Diyos ng mga Iglesia Ni Cristo ay may inaasahan sa Kaniyang mga hinirang -- "ito ay ang patuloy na magbigay ng kasiyahan sa Diyos ang Kaniyang bayan". Ang bayan na tinutukoy dito ay ang mga kaanib sa INC sa mga huling araw.
Bakit ito inaasahan ng Diyos sa mga kaanib sa INC na patuloy na magbigay ng kasiyan sa Kaniya? - sapagkat dito nabubuo ang tunay na pagtitiwala, dito nagiging dalisay ang pananampalataya --na ang Diyos ang Siyang pumapatnubay sa atin sa landas kung saan tayo lalakad -- noon at ngayon, kung saan higit Siyang kailangan dahil sa mga nagaganap sa kasalukuyan.
Siya ang pumuprotekta sa bawat hinirang; kung wala iyon, kapahamakan ang naghihintay sa buhay pa lamang na ito.
Ang isang halimbawa na lingkod ng Diyos kung saan ipinakita niya ang pagbibigay kasiyahan ay si Haring Hezekiah - ginawa niya ang mabuti at tama. Nagpumilit siya na sumunod sa Dios - sa batas nito at mga tuntunin (laws and rules), higit sa lahat, maging ng mga kalooban ng Diyos. Kaya, napakabubuting bagay ang nangyari at natamo ni Haring Hezekiah.
Bilang isang tagasunod ginawa niya ang pagsunod ng taos sa puso, buong kaluluwa, at itinalaga ang buong pagkatao. Siya ay matuwid na lingkod ng Diyos -
- nabubuhay sa pananampalataya
- matibay ang pananalig
- iginagalang ang kaugnayan ng tao sa Diyos (sa mga banal na bagay, at sa mga banal na kasiglahan)
- hindi umuurong, hindi tumatalikod
Ipinapaalaala ng mga apostol kung paanong mabigyang daan ang patuloy ng pagbibigay kasiyahan sa Diyos:
- huwag gumaya sa mga kultura ng sanlibutan. (Maging maingat at matalino kung saan naka-anchor ang inyong mga paniniwala at mga idea, baka nahihikayat na kayo ng mga maling "influencers" - na kaibayo sa mga aral ng Diyos).
- hayaang baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip, upang mabuhay kayo ng naiiba - at malalaman ninyo ang mabuti - "kung ano ang makapagbibigay kasiyahan sa Kaniya".
Pangako ng Diyos sa nagbibigay kasiyahan sa Kaniya:
- Patuloy kang papatnubayan.
- Bibigyan ka ng kasiyahan sa buhay na ito gaya ng isang bukal ng tubig na hindi nawawala.
Maraming mga kaanib sa INC ang gumagawa ng pagbibigay kasiyahan sa Diyos - lumalakad ng matuwid, nabubuhay at pinapangasiwaan ang kaniyang pananampalataya na karapat-dapat sa Diyos, nagbibigay ng kaluguran at sinusunod ang kalooban, nagbubunga ng mga mabuting gawa, puspos ng pananalig, may kabatiran kung bakit kailangan niyang sumunod sa mga utos, at may malaking pagkakilala sa kahalagahan na mailapat ang sarili sa kagustuhan ng Diyos
Kung ang mga ito ay napagtatalagahan, susunod at mga biyaya, at mga pagpapala.
Hindi naman kailangan ng Diyos ang mga biyaya, bilang mga tao tayo ang mapagkailangan, tayo ang nangangailangan, kaya marapat lamang na kung gusto nating makamtan ang mga biyaya, ilakip natin ang pagbibigay ng kasiyahan sa Kaniya.
Ang payo upang maitaguyod ito ay - "maging malakas ka at huwag matakot". Ang halimbawa pa ng Bibliya ay si Haring Asa - na gumawa ng mga reporma, inalis ang mga diyos-diyosan; at dito'y nasiyahan ang Ama sa kaniya.
Ang Diyos ay hindi mapagkait, hindi Siya mahirap na magbigay - 'wag sanang mabigo ang mga lingkod Niya sa mga kailangan natin sa buhay. Sapagkat tinutulungan Niya ang mga may ligalig, nabigo at nabuwal, nagbibigay Siya ng sapat, nabibigay ng pangangailangan -- kung nakapagbibigay tayo ng kasiyahan sa Kaniya - gagaan lahat ng ating mga pinagdaraanan sa buhay, dahil kasama natin Siya.
- billymacdeus
(notes taken during the worship service officiated by Brother EVM - April 28, 2024)
No comments:
Post a Comment