I first came across the phrase "charity with dignity" when I was doing a prospecting session with a Sun Life client. She narrated "Bakit kaya by default, karamihan sa atin ay tumatawad lagi sa mga nagtitinda sa lansangan, o sa wet market, o sa mga naglalako na nagbabahay-bahay?".
"Bakit hindi natin i-reverse ang sitwasyon at gawing - charity with dignity? 'Yung tatawad ka, na ang unang iniisip natin ay upang makatulong sa mas nakaka-baba sa atin ang buhay. 'Yung scenario na 'sige, bilhin kona lahat itong paninda mo (walang tawad), nang upang matapos na ang iyong pag-babahay-bahay, napaka-init pa naman ng panahon!'".
Subalit sa halos lahat na mga pagkakataon, tulad ng isang Manong na nagbebenta ng mga paninda niyang isda, matapos siyang sumagot ng '120 pesos po per kilo', sa tanong ng isang ale na, 'magkano po kilo Manong?', kaagad-agad, tinatawaran natin, or madalas, ang karamihan ay nagsasabi: 'bibili ako ng tatlong kilo, basta gawin mong 100 pesos kada kilo, mahal masiyado ang 120 per kilo!'.
Malimit, hindi makahindi si Manong, "Sige, bigay ko na sa'yo 100 per kilo, para makabenta ako, kanina pang alas siyete ng umaga nag-iikot ngunit dipa nakakabenta, ikaw ang buena mano kaya, kunin mona".
At dali-dali namang naglabas ng pera para bilhin ang itinawad, sa kadahilanang naniniwala ang tumawad na, nakamura siya sa binili niya kay Manong. Na siya ay naka discount at siya ay nanalo, without realizing consciously na mas pinahirapan niya ang naglalakong si Manong.
Kinagabihan... ang ale na bumili ng isda ay nakipagkita sa kaniyang mga kaibigan at nagdinner sila sa isang restaurant na mamahalin. Noong bayaran na ng bill, given na maykaya naman talaga siya, nag-initiate siyang bayaran ang bill na 2,200 pesos, at nag-iwan pa ng 200 pesos na tip kahit may service charge na sa resibo.
Ang nais kong ipa-pansin dito ay ang magkaibang behavior ng Ale na tumawad sa paninda ng Manong na babad sa sikat ng araw, hirap sa paglalako at pagbabahay-bahay kumpara sa walang anumang pagbibigay ng tip sa isang restaurant na hindi naman nanghihingi ng tip. Para bang automatic kaagad sa isipan ng Ale, na tumulong sa hindi naman nangangailangan ng tulong.
____
Sana, tuwing nakakatagpo tayo ng mga sitwasyong alam nating mas hirap ang buhay ng kasalamuha natin at patuloy silang kumakayod upang maitawid ang pang-araw araw na pamumuhay, ay maisipan lagi nating tumulong sa kanilang kapakanan. Gawin nating may touch of "charity with dignity". Iyong maging automatic din tayo sa isipang kahit kaunti, makakatulong ako sa taong ito upang mai-angat ang kaniyang kalalagayan sa pamamagitan ng additional effort o mas mataas na pagpapahalaga sa kanilang serbisyo. Ito ay maaring nating gawin by adding more value through tangible payments of their services or whatever they are offering; similar to our example above, o kung hindi naman natin kayang bilhin ang lahat ng paninda nila, mag-dagdag tayo ng additional payment sa binili natin, bilang tulong na rin sa kanilang kalalagayan -- tip natin sa kanila, ito ang tinatawag na Charity with Dignity.
Insurero
(visit our FB page and kindly follow us - InsurerĂ²)