Binibilang ang bawat patak ng ulan Kung kailan matatapos ay hindi ko alam Katulad ng paghihintay na tila walang katapusan Hinihiling na sana nama'y masuklian Pagmamahalang ipinagdarasal na mabigyang katuparan Naranasan mo na bang matagal na magisa? Sa pagmumuni muni'y nalimutan na kailangan mo ring maging masaya Hanggang isang araw natuklasan ang tunay na ligaya ay wala na pala Tawa at ngiti sa iyong mga labi kaytagal na napawi na Ilang tawag ng pag ibig na ba ang pinalagpas? Nanghihinayang sa tuwinang maaalala ang nakalipas Mas piniling sarilinin ang panahon at ang oras Nagpaikot ikot sa gitna ng mundo na tila ang bukas ay wala nang wakas Kung tadhana'y naririnig sinasambit ng aking bibig At sakaling dumating isa pang pag ibig Na sa tuyot na puso'y muling magbibigay pintig Yayakapin ng mahigpit at ikukulong sa bisig Hahayaang ang aking damdamin ang maging musika at magpahayag ng aking himig
® Poetry by Michael Sebastian