Thursday, June 04, 2020

Ako'y Maghihintay








Binibilang ang bawat patak ng ulan Kung kailan matatapos ay hindi ko alam Katulad ng paghihintay na tila walang katapusan Hinihiling na sana nama'y masuklian Pagmamahalang ipinagdarasal na mabigyang katuparan Naranasan mo na bang matagal na magisa? Sa pagmumuni muni'y nalimutan na kailangan mo ring maging masaya Hanggang isang araw natuklasan ang tunay na ligaya ay wala na pala Tawa at ngiti sa iyong mga labi kaytagal na napawi na Ilang tawag ng pag ibig na ba ang pinalagpas? Nanghihinayang sa tuwinang maaalala ang nakalipas Mas piniling sarilinin ang panahon at ang oras Nagpaikot ikot sa gitna ng mundo na tila ang bukas ay wala nang wakas Kung tadhana'y naririnig sinasambit ng aking bibig At sakaling dumating isa pang pag ibig Na sa tuyot na puso'y muling magbibigay pintig Yayakapin ng mahigpit at ikukulong sa bisig Hahayaang ang aking damdamin ang maging musika at magpahayag ng aking himig



® Poetry by Michael Sebastian

Monday, June 01, 2020

I Love You, Life








aren't we all just messed-up pieces?
like broken shards of colored glass?
each
piece
representing a different time when we lived,
we loved,
we were alive,
and then
we were left,
shattered,
only to find we had another purpose in being left behind.
for else who could take the light from the sun and tear it apart into a million colors,
but the glass mosaics that we had become.
and now when the light passes through,
selected,
but our torn hues.
the myriad colors of the unbeatable sun,
dancing,
with glee.
then,
for any who looked within us,
or beyond where the light hit the ground they would see,
glinting and shimmering,




® Original Poem by Meowter Space

Sunday, May 31, 2020

Quarantined





Pagtakbo ng oras na tila'y walang humpay 
Sa isang gabing malamig ang simoy, 
Dala'y samyo ng tubig alat 
Sa pigurang nakatingala sa alapaap. 
Itinuwid ang bola ng sinulid Patungo sa mga bituing marikit. 

Dalawang mata'y ipinikit; 
Payapang inalala ang lahat ng mga pasakit. 
Kinimkim nang ilang dekada, 
Sa pusong napuno ng takot at pag-aalala. 
Nag-aalab ang poot at pagkasi, 
'Di mawari kung alin ang magwawagi. 
Tila ako'y nasa isang teatro. 
Patuloy kong ginagampanan ang karakter na inilaan, 
Kung saan ako'y isang hamak na tumitingala 
At inaasam ang isang bituing marilag. 
Sa pagpapatuloy ng palabas, 'Di ko sukat akalaing ako'y masisilayan, 




Pinansin, 
inalagaan, 
at hinagkan. 




























Ang puso'y napuno ng kapayapaan at kagalakan. 
Kay bilis ng panahon, 
Dumating ang isang daluyong. 
Sa akin siya'y nanlamig at inagaw Ng isang magnanakaw. 
Hinarap ko siya't tinanong dahil sa aking pagdaramdam. 
Sinabi niyang hindi naman talaga niya ako mahal; 
Naburyo lamang siya sa kanyang tahanan Kaya't ako'y kaniyang pinaglaruan.


Napakabilis ng pangyayari, 

Akala ko'y ikaw na hanggang sa huli. 
Akala ko'y ikaw ang magiging kabiyak. 
Akala ko'y ikaw ang magpupunan sa aking pusong wasak. 

Masasabi kong ako nga'y nasa isang teatro. 
Hindi ko batid ang mga maaaring mangyari. 
Ang mga salitang maiuusal ng bawat mga labi 
Ay pawang nais ng bawat isa sa amin. 
Isang palabas muli ang naglaho. 
Mapait ang naging pagtatapos. 
Isa sa mga karakter ang hindi nagmaliw ang pag-irog nang taos, 
Sapagkat ang puso'y piniling maging bilanggo.






Original content poetry by Aeril

Saturday, May 30, 2020

Bulag ( A Covid19 Poem From The Perspective Of A Gen Z)






























Mula sa sakripisyo ng mga front liners
Kailan kaya magwawakas ang pagtulo ng mga luha
Buhay na nawala dahil sa kalabang di nakikita,
Kailan kaya muling sisikat ang panibagong umaga?


Tulong doon tulong dito,
Iyak doon iyak dito,
ang bulsa ng gobyerno tila ba'y naging gasgado
Paano na kaya kung mawalan na ng pondo?
Paano na kaya kung sumuko na ang mga nagsasakripisyo?


Paano nga ba natin kakaharapin ang ating sariling anino?
Sino nga ba ang tunay na kalaban natin dito?
Gobyerno? O tayo mismong mga mamamayang Pilipino?
Paano tayo makakabangon kung patuloy lang tayong aasa sa pulitiko?


Mula sa laban na ito, na luha ang simbolo,
Bumangon tayo at patuloy na maging disiplinado,
At kung ang may likha ang ating magiging sentro,
Tiyak na tayo ay panalo sa labang it.




~ Original content by KJODS

Friday, May 29, 2020

Ikaw Pa Rin Ba Hanggang Sa Ating Pagtanda?






Nitong nakaraang Sabado, i watched Ben Platt's concert over Netflix. Not to mention the soulful music, I was really impressed by one of the songs, by its lyrics and content - Grow as We Go.

It relates beautifully about love and relationships needing space and growing.

Do you really need to break-up or cool-off with someone you love because you needed space...? Or when you feel like you needed to grow on your own, is it needed for you to leave your SO?

My thoughts about these circumstances when it tries to rock the boat in your relationship is the common alibi of those mentioned above, in retrospect, the actual reason isn't about growing or needing space - it's about falling out of love with that person.

Siguro mali ako on my observations, pero ang pag-ibig ay nagbabago, hindi siya consistent pero kung matututo ang dalawang tao upang alagaan at gawing matamis ang pagsasamahan sa gitna ng mga bumabangong pagsubok sa relasyon, siguro isa iyon sa mga susi upang magtagumpay na steady at maging matatag ang isang pagsasama.



"I don't think you have to leave 
if to change is what you need
You can change right next to me
when you're high i'll take the lows
You can ebb and i can flow
and we'll take it slow
and grow as we go"







Leave your thoughts in the comments.