hindi lamang lakas,
buhay,
salapi,
tahanan,
sasakyan,
pangangailangan,
materyal na bagay
ang ating ipagpapasalamat at
gugunitain...
kundi 'yung tayo at ang buong sambahayan
ay 'di naramay sa pandemya
'yung sapat na pagkain sa hapag-kainan
masaya ang turingan, bonding ng pamilya
matiwasay na kalooban at 'di nangangambang isipan
panatag na puso sa pag-asa at matibay sa
pananampalataya
patuloy na nakakagawa at nakapaghahanap-buhay
buo at nakatutupad ang buong sambahayan
higit sa lahat,
mapayapang naitataguyod ang kapakanang
pansambahayan, at ang kapakanang
espirituwal.
by Teacher James
original content | INC 107th Anniversary Thanksgiving
No comments:
Post a Comment