Narito akong pinagmamasdan ang mga tala,
Inaalala ang mga panahong masasaya,
Ilang buwan na nga ba akong lumuluha?
Hanggang kailan ba ako magdurusa?
"Ama, nais ko lamang pong sumaya."
Hiling ko sa Panginoon sa aking mga panata.
Nais na maging tunay na masaya,
Sa sanlibutang puno ng pagdurusa.
"Hindi ko na po kaya ang mga pagsubok, Ama.
Ngunit kakayanin ko po upang ika'y makasama
Sa bayang banal na sa aki'y iyong inihanda."
Sambit ko nang tuluyan akong lumuha.
Umuungol ako ng labis na kalungkutan
Na hindi alam ng kahit na sinuman.
Nakikinig sa daing ng aking mga kaibigan
Upang sila'y gabayan sa mundong ginagalawan.
Lahat ng aking kaibigan ay aking pinakinggan,
Ngunit mayroong isang marupok na sisidlan
Na walang sawa kong pinagmamasdan
Bawat daing, bawat pighati, bawat hikbi ng kalungkutan.
Oras-oras ay iniisip ang kalagayan niya.
Siya ba'y maayos? Malungkot? Masaya?
Hindi mapakali ang sarili kakaisip sa kaniya.
Hindi mawari bakit ganoon sa kaniya
| An Original from Aidan
Author of Silakbo Sa Balintataw