Tuesday, February 11, 2014

Sa Tren Ng Isang Araw

Madilim ang kalangitan habang ang trapiko'y abala sa pagbuga ng usok ng mga sasakyan
Ang barya kong dala'y kulang ng 'sang piso upang ako'y makapag bus pauwi

Ang ngiting sumilay sa 'yong mga labi'y nag silbing alaala sa akin
Upang minsan pa'y aking gunitain kita sa piling ng mga panaginip

(Istranghero sa tren)