Buwan ng Wika - The month of August is celebrated in the Philippines as the language month. It just dawned on me this evening to accentuate this occasion with a month-long poem of posts composed in the Filipino language. I'm quite excited about it because i was inspired by someone i recently knew who has accomplished a visual delicacy when it comes to poetry and photographs.
Salimbayan
O tinig mo'y aking pilit na inapuhap
sa salimbayan ng pluta'y di ko malasap
Niyang samyo ng 'Yong kabanguhan
anopa't di ko maramdaman
Bakit tila napawi na ang 'yong mga ngiti?
bagama't wala ka namang panaghili
Totoo bang panaho'y nakapagpapabago?
pagkat di tanggap ng isipan kong ika'y di na totoo
O sa saliw ng lagaslas ng hubad na ilog
ang mukha mo'y di ko na maaninag
sa salimbayan ng muntihang mga alon
ika'y pumanaw at lumisan
Anopa't ako'y nasiphayo
pagkat di kita nahango
ni di ka man lang nagpaalam
kahit isang liham ay wala kang iniwan
Sa salimbayan ng aking damdamin
asan kama'y di parin maamin
ng pusong naiwan ng lihim
na di tugma ang panahon natin
Othello
No comments:
Post a Comment