This is my 3rd post of poems in lieu to the Language Month in the Philippines. I've been trying to relive the wonder of the Filipino language, trying to muster once again the native tongue, to give due to what has been learnt, to hide in euphemisms and ironies of the everyday challenges of our journey.
DAHON NG HANGIN
Ang sinag ng araw ay dumungaw
sa gitna ng ngiti ng alapaap
ang kadiliman ay nalusaw
naparam at ito'y nawasak
Ang samyo ng hangin ay kay sarap
parang tubig animo'y kay lamig
nanunuot sa buto at pag-iisip
tumitighaw sa uhaw na pagkainip
Ang langit ay kay liwanag
sinsigla, parang isang marilag
hatid ay liliw ng pag-asa
niyaong pusong galing sa pakikibaka
MAC