Sunday, December 30, 2018

Ang Aking Mga Kamaytungkulin


Sila'y may mga butihing puso
Na sa inyo sila'y nakikisuyo
Tanggapin sila nang buong-buo
Sa pagkikisalamuha'y mahusay manuyo
Itong mga kaibigan ko,
tatanggapin kang walang pagsiphayo

Lahat ay kayang gawin, anumang larangan, sila ay magaling
Umaawit ng papuri, anumang awitin nabibigyang buhay parin
Sa saliw ng panugtog kanilang pusoy umiindayog
Wari'y sumasayaw naparang inang kinukupkop -
Ang kanyang sanggol na minamahal irog

Sukat niyayakap ang hiling na matayog
Hiling nilang parati sumalagi sa kanila ang Ama
Ninanasa na palaging sa kanila ay samama
Ipagkaloob pagpapala't biyaya Niya
Magagamit sa pakikipag-lakbay 'twina
Nang hindi naman api at kaaba-aba 
Sa paningin ng mga tao sa paligid nila
Makita na ang Ama lamang ang nagbigay sa bawat isa
Nang mabuti at dakilang pamana



Guest Post From James The Teacher
Check his FB Profile on the link above


Ang Basura Mo Po

Sana, mabasa at magkaroon ng makabuluhang pagninilaynilay ng lahat ang panawagang ito.





Ang responsable at disiplinadong pag-tapon ng basura sa alinmang lugar, pampubliko man o pambribado; may nakakakita o wala - sa atin po nagsisimula ang kaayusan. Sa mahirap man o sa mayaman; may pinag-aralan or salat sa edukasyon - sana matuto tayong ilugar ang tamang pagtapon ng ating mga kalat.


Ang mga komento ng ilan:
- "Magiging masinop ang pagdidisiplina kung ituturo ito mula sa pamilya, tahanan at higit sa lahat, sa paaralan simula pa sa kamusmusan ng kabataan"
- "Bakit kapag ang pinoy nasa ibang bansa, sinusunod nila ang batas kung nasaan sila. Bakit sa sarili nating bansa di natin masunod ang mga batas natin? Nakakahiyang maging pinoy minsan dahil lang sa ganiton kasimpleng bagay. Wala kang makitang basurahan, baka naman pwedeng hawakan muna at itapon kapag meron ng mapagtatapunan.
- "Discipline is the product of respect. No respect ... no discipline. No respect sa batas, environment, other people's space, property and time.


Alam ko, may kaniya-kaniya tayong opinyon, subalit sana - ang pagbabago ay "ngayon na" simulan na natin sa ating bahay, sa sarili, sa ating pamilya, sa ating mga kaibigan - magturuan tayo at magpaalalahanan, bago po mahuli ang lahat.






_billymacdeus




PhotoGrabs from The Manila Times & TheDailyWTF




Wednesday, December 26, 2018

Ang Panawagan Sa Mga Milenyal




   Halina mga kabataan tayo'y magaral ng mga kasanayan
   Magagamit natin sa ating kinabukasan
   Magpatuloy tayo sa magandang kaasalan
   Nang ang mga masasamang gawi ay mahalinhan


    Sa ngayong kabataan marami nang nalilimutan
    Mabubuti at makataong kaugalian
    Katulad ng pagmamano sa matanda at magulang
    Kailangan ibalik sa tama at dating kaayusan
    Ang costumbre ng mga kabataang lapastangan


    Mabuti ang mga noo'y simula ng mga bayani
    Maging ang ating mga lolo at lola noon sila'y mabini
    Sa pagkilos man at pananalita dili
    Maaalaman mo't mananawari
    Na sa nakaraang panahon, mga dalaga din ay mayumi


    Mataas ang paggalang noon sa moral
    Di ko nga batid, ngayon yata ang mga pangaral - 
    Ay higit ng kinayayamutan ng batang datiy sakdal
    Subalit ngayoy ayaw na at galit sa pangangaral



Guest Post From James The Teacher
Check his FB Profile on the link above


The Dream


This is brutal AF. (As mentioned by the uploader)


I won’t spoil you the climax. Relax and watch, till the end.


Be patient.





_billymacdeus

Pagmamahal ng Isang Magulang






Sa sinapupunan pa lang kanya ng inalagaan.
Gumuhit ang ngiti, ng sipa ay kanyang maramdaman.
Ipinagbubuntis pa lang ramdam mong siya ay nahihirapan.
Pero di alintana ang hirap kahit pa malaki at mabigat na ang tiyan.
Bumilang ng isa, dalawa hanggang siyam na buwan.

Ito na ang araw na kanyang pinakahihintay.
Di masukat sukat ang ngiti ni inay.
Wala namang pagsidlan kagalakan ni itay.
Ng kanilang masilayan mumunting sanggol, na sa kanilang tahanan ay nagbigay kulay.

Sa pag aalaga si nanay tuwang tuwa.
Pag-aayos sa sarili hindi na magawa.
Ni hindi niya alintana mga guhit ng katandaan sa kanyang mukha.
Gayunpaman, tunay na kaligayahan inyong mababasa.
Pangungusap ng kanyang mga mata.

Ang kanyang pangako sa mumunting sanggol.
Sinoman ang umapi kanyang ipagtatanggol.
Walang simuman ang sa kanya'y pwedeng humatol.

Bibigyan ng magandang buhay kahit salat sa kayamanan.
Magandang kinabukasan kanilang paglalaanan.
Ihahatid susunduin sa kanyang paaralan.
Hanggang sa makapagtapos sa kursong kanilang pinapagplanuhan.




Guest Post from Betty The Beauty
(Check her FB thru the link above)