Sunday, May 24, 2020

May Bago Kana!


Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong nagtampisaw sa musika
Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong takot na malayo sa isa't isa
Naaalala mo pa ba? Nung binitawan mo ang mga salitang tumatak sa damdamin nating dalawa
Naaalala mo pa ba? Nung lumisan kang walang paalam pero sinubukan kong habulin ka
Naaalala mo paba? Siguro hindi na.


Hindi ko alam kung pa'no tayo dinala ng musika sa pagitan ng "ikaw at ako"
Walang kasiguraduhan kung liliko ba o dediretso
Teka.. MagKA-ibigan paba tayo? Bakit parang Magka-IBIGAN na nga tayo?


Tumigil ang mundo nang sinabi mong ako'y mahal mo
Medyo napaisip ako.. Bakit ako?


Hindi ako maporma kung manamit
Aaminin ko ako'y pangit
Pero ako hahawak ng gitara at sabay tayong aawit
Sabay tayong kakanta hanggang sa tayo'y mangawit


Ang kalangita'y maliwanag
Sing liwanag ng dalawang pusong lumulundag
Lumulundag sa saya't pagmamahal
Na para bang wala na ngang makakapaghiwalay









































Sana nga ay huwag nang matapos
Kahit na ang bawat kanta'y may wakas
Umaaasa parin sa wagas
Pinipilit huwag kumalas
Sa mga pangakong iyong ibinigkas


Pero, sa sobrang ganda ng ating awit
Hindi ko na inisip
Na maaari palang managinip nang hindi nakapikit


Gumising ka, gumising ka sa katotohanang wala nga palang tayong dalawa
Gumising ka, gumising ka at iniwan mo akong nag-iisa
Hinanap kita! Hinanap kita sa kalagitnaan ng aking panaginip
Pinipilit kong gumising pero patuloy ang pagsilip
Ng mga larawan nyong dalawa na para bang kayo lang ang masaya..


Eto ako ngayon.. Nakatitig sa inyong dalawa
Sobrang lungkot at parang wala nang gamot
Gabi gabing balisa, basa ang mga unan at araw-araw na nayayamot
Pinipilit bumangon sa pagkalugmok


May bago kana, mukhang matalino sya
May bago kana, sa bagay.. Maitsura sya
May bago kana, dahil nag-iba na ang kanta
May bago kana at bagay kayong dalawa





Original Content Poetry by
Seagull
(you may follow Seagull's  twitter: @daeimnidaa)

Saturday, May 23, 2020

Covid19, Kelan Ka Lilipas?
























Ano ba'ng nangyari?

Waring lahat ay nagbago, sa isang iglap.
Subalit sa bawat sulok nitong tahanan nami'y walang pinagbago.


Ang kasaysayan, muli na naman bang mauulit?
Pandemyang, ngayo'y lumalaganap sa panahong 'di inaasahan, ni sa hinagap
ito'y magaganap.


Ngunit ang nakakalungkot... gamot at lunas ay sadya pang mailap

Sa kabilang panig naman, unti-unting luminis ating kalikasan
Dulot niyaon ay magandang balita sa likas-na-yaman
Maging nang mga hayop at ng mga halaman

Ako rin baga, ay naiinip na!
Naiinip na! pati mga tao, sa bagal ng oras

Madalas na itanong sa likod ng isipan
"Gaano pa katagal bago ka lilipas?"
Maraming araw na ang nagwakas, sa isip at diwa'y matapos na kaya ito bukas?


Sino ba ang nakakaalam anong dulo nito?
Ni ang kahihitnan nating lahat, nitong paligid at nang buong sanlibutan Lahat ay nakabinbin, naghihintay, nag-aabang.
Kelan ka magwawakas, Covid-19?




® Poetry by
James Riazo

Friday, May 22, 2020

A Paradigm Within A Paradigm


It's not only applicable on a sword per se. Come to think of it...

Lahat ng bagay, o kahit tao, lugar, or anupaman, ay puede mong gamitin ito sa 'yong advantage. Nasa tamang practice lang yan, kung paano mo titingnan ang mga bagay-bagay. Ansabi nga ni Mary Oliver - "Someone i loved once gave me a box of darkness, it took me hundred years to understand that this too, is a gift". I was amazed!!! Ang ganda ng pagkakadeliver ng thought-process niya.

Same lang din kay Sun Tzu - 'yung quote niya sa ibaba, na lifted sa The Art Of War, is as timeless as an essential weapon in our day to day lives - kahit walang giyera.










Thursday, May 21, 2020

Space We Can Recover, Time Never


I am sure you know who popularized this quote. Pero sa dinami-rami ng nababasa natin sa newsfeed sa FB and other social media platforms on a daily basis, it is wise to filter and feed our minds. Yaong mga posts na kapupulutan natin ng aral.

Mga post na magsisilbing gabay mo sa tamang pakikipaglakbay dito sa mundo, at magsisilbing sandata mo rin upang mas madali mong marating ang gusto mong marating sa buhay na íto.









Wednesday, May 20, 2020

Weak People Never Give Way When They Ought To



Something to ponder upon these days - "weak people never give way when they ought to", whereas, survival of the fittest is quite applicable as we traverse in this pandemic.


Analyzing this thought-process deeper, so if weak people can do that, how much more for the strong ones?

What does it take to command that sheer will-power to un-tame the downhill effect?