Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong nagtampisaw sa musika
Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong takot na malayo sa isa't isa
Naaalala mo pa ba? Nung binitawan mo ang mga salitang tumatak sa damdamin nating dalawa
Naaalala mo pa ba? Nung lumisan kang walang paalam pero sinubukan kong habulin ka
Naaalala mo paba? Siguro hindi na.
Hindi ko alam kung pa'no tayo dinala ng musika sa pagitan ng "ikaw at ako"
Walang kasiguraduhan kung liliko ba o dediretso
Teka.. MagKA-ibigan paba tayo? Bakit parang Magka-IBIGAN na nga tayo?
Tumigil ang mundo nang sinabi mong ako'y mahal mo
Medyo napaisip ako.. Bakit ako?
Hindi ako maporma kung manamit
Aaminin ko ako'y pangit
Pero ako hahawak ng gitara at sabay tayong aawit
Sabay tayong kakanta hanggang sa tayo'y mangawit
Ang kalangita'y maliwanag
Sing liwanag ng dalawang pusong lumulundag
Lumulundag sa saya't pagmamahal
Na para bang wala na ngang makakapaghiwalay
Sana nga ay huwag nang matapos
Kahit na ang bawat kanta'y may wakas
Umaaasa parin sa wagas
Pinipilit huwag kumalas
Sa mga pangakong iyong ibinigkas
Pero, sa sobrang ganda ng ating awit
Hindi ko na inisip
Na maaari palang managinip nang hindi nakapikit
Gumising ka, gumising ka sa katotohanang wala nga palang tayong dalawa
Gumising ka, gumising ka at iniwan mo akong nag-iisa
Hinanap kita! Hinanap kita sa kalagitnaan ng aking panaginip
Pinipilit kong gumising pero patuloy ang pagsilip
Ng mga larawan nyong dalawa na para bang kayo lang ang masaya..
Eto ako ngayon.. Nakatitig sa inyong dalawa
Sobrang lungkot at parang wala nang gamot
Gabi gabing balisa, basa ang mga unan at araw-araw na nayayamot
Pinipilit bumangon sa pagkalugmok
May bago kana, mukhang matalino sya
May bago kana, sa bagay.. Maitsura sya
May bago kana, dahil nag-iba na ang kanta
May bago kana at bagay kayong dalawa
Original Content Poetry by
Seagull
(you may follow Seagull's twitter: @daeimnidaa)