Thursday, October 17, 2019

What Makes A Heart Love Again?





What Makes a Heart Love Again?

It's not because you were tired of being your own friend;
to dine alone
or drive alone
and speak in silence to appreciate the beauty of nature you passed by

It's because you enjoy each other's company;
both done sipping your own coffee and unknowingly it's almost midnight
both shared the talk with wit and laughter, as you have been together before,
like an old friend catching up to each other...

They said, it's the simple things
that truly matters with the heart

I would say, it's the language of the heart
that determines to advance further,
to pursue another step;
beyond friendship
beyond the mutual feelings

I believe it's also the development stage --
from being friends to that special moment of bliss just being with her,
or that indescribable magical effect
that a person has experienced - since the ancient days,
for love has been there;
before, back then...
way back in the beginning of time
And it's the same air of happiness --
shared by mutually agreeing souls,
that when their eyes locked to each other,
it's as if the same wavelength travels back and forth...
aligned, understanding each other's eyes
even when
no words
were
spoken





billymacdeus' poetry ®
_




drawing credits to @titomerello (instagram)
blogpost throwback






Monday, October 14, 2019

Monday Awww!



Dropping by on your feed with this!

my first thought... it was an extended - bought-from-the-store ear extender, just like those costume you put on dogs and cats.

but then... after zooming in to see the details, they got really HUGE ears. Them bunnies.









~billymacdeus
image courtesy of reddit/aww



Friday, October 11, 2019

Hulyo Beinte-Siyete






Araw ng kaarawan ng iyong kawan,
Araw din ng kaarawan ko sa bayan,
Isang daan at limang taong Iningatan,
Anim na taon akong ginabayan.

Dumating na ang araw ng pasalamat,
Hinintay ito ng bawat hinirang mong tapat.
Bagama't kami'y hindi karapat-dapat,
O, Diyos, hinango Mo kaming lahat.

Nagdanas ng mabibigat na suliranin,
Nagpasan ng iba't ibang saloobin.
Ika'y napaka buti sa amin
Sapagka't kami ay iniibig Mo pa rin.
Bagamat kami'y nagkulang at nagkasala,
Ipinaranas Mo pa rin ang mga pagpapala't biyaya,
Kung minsan ma'y mawalan ng pag-asa,

Iyong pinalalakas kami, pinasisigla.
Hindi lingid Sa'yo ang hangarin ng bawat puso,
Sa kabila ng karumihan ay pinagtitiisan Mo.
Sa lahat ng paulit-ulit naming mga pangako,
Nilinis, ginawa mong marapat mga hirang Mo.

Ngayo'y matagumpay ang Iglesia na iyong bayan!
Ibinabalik namin Sa'yo ang lahat ng kapurihan!
Kami'y Iyong lingkod na walang kabuluhan
Nguni't dahil Sa'yo kami'y tapat na lumalaban.
Tulad ng ginto, kami'y dapat maging dalisay,
Ipinararaan Mo kami sa malakas na apoy ng buhay,
Pagtatagumpayan namin ang lahat ng sakit at lumbay,

Upang kami sa iyo ay laging magtumibay.
Dumating man ang malalakas na alon,
Kami ay patuloy na makakaahon.
Pangako namin ito sa'yo, Panginoon,
Hindi sasayangin ang kahalalan na aming baon.

Ano man ang mangyari maglilingkod hanggang sa wakas!
Ano man ang mangyari maglilingkod hangga't may lakas!
Ano man ang mangyari, kahit ano ang madanas,
Tapat na maglilingkod kahit luha sa aming mukha ay bumakas. 

Mananataling tapat ang mga hinirang mo
Sapagka't sa'yo lamang namin matatamo
Ang buhay na sa amin ay iyong ipinangako
Buhay na walang hanggang diyan sa piling Mo.

Mawala na ang lahat sa amin, o, Ama!
H'wag lamang ang pag-ibig at Iyong awa.
Sa amin ay h'wag Ka sanang magsasawa
Na pakaingatan kami sa tuwi-tuwina.
Salamat, Ama, sa walang sawang pagmamahal!
Nakikita mo ang aming pagpapagal,
Sa tulong mo, kami'y tumatagal,
Kaming mga hinirang na iyong inihalal.




guest post by Lanz Aidan

Thursday, October 10, 2019

New 2019 Coins In PH / Mga Bagong Coins Sa Pilipinas (5-Peso and 20-Peso Coins)


UPDATED


BSP Officially Announced These New Coins Circulation



Daming ganap lately sa bansa natin.

Eto pa ang isang pasabog - ang mga bagong Philippine Peso coins, that will start circulating this coming December 2019.

Tama naman na baguhin nila ang kasalukuyang 5-peso coin; aba'y halos titigan kong maigi kung limang piso nga ba ang hawak ko o piso la'ang. O di man kaya, baka isang piso ang naibigay ko sa kahera at 'yun naman pala ay limang piso.

Nakakalito diba? Ewan ko ba kung ako lang ang nagkakaroon ng second glance whenever I'm trying to count my 1 peso or 5 peso coins. At kung sino man ang nakaisip sa BSP na halos magkasing-itsura ang limang piso at isang piso, maaari kong isisi na wala siyang common sense.

Pero eto na nga, ang good news. 'Yung limang piso mapapalitan na ng parang flower-shaped coin para di nakakalito.




At nakakalungkot mang sabihin, ang 20 peso bill ay magiging coin na. Sakit sa bangs at sa bulsa - eh, di mas bibigat ang coin purse? Or kakalansing nang kakalansing ang bulsa dahil macoconvert ang isang papel sa isang metal. Welp, what can I say...


Let's see how it goes. Parang traffic lang, masasanay rin.




____

12/23/2019 updates based on BSP (Bangko Sentral Ng Pilipinas)

  • From the looks of the new 5-peso coin, mas maayos na ito para less hassle in distinguishing it from the 1-peso coin and 10-peso coin

  • The 20-peso coin is definitely a win because of its distinctive shade or color. 
New 20-Peso Coin

  • So, basically - magiging dalwa ang 20 pesos natin, ung existing na papel na bente at etong bagong 20-peso coin.

  • Ang mga lumang coins na ginagamit ngaun ay puede pang gamitin as per BSP hanggat di sila naglalabas ng memorandum of demonetization.





para sa karagdagang impormasyon - bisitahin ang link na ito mula sa BSP Coins FAQs





~billymacdeus

PS: Image courtesy of reddit/philippines at salamat sa trusted friend ko sa BSP.

Cooking with Mantika


Sinong nakakarelate dito? Nyahahahaha!






Hirap nga namang matalsikan ng mainit na mantika. But scrutinizing further the image, I think it's too much of a protection? Too OA? Bwahahahahaha!




~billymacdeus
(image courtesy of Reddit)