Notes from Billy Mac:
- Isa sa mga tula na kaysarap basahin kahit sa likod ng pag-iisip natin
- Kay gandang unawain lalo na't may alam ka sa terminilohiyang pang musika
Isakala At Musika
Nasaan na ang mga pangakong iyong binitiwan?Kalakip ng iyong tinuran ay may halong agam-agam Sa ritmo ng iyong tinig hindi ko sinasadyang natuklasan na ito ay pilit.Ang matatamis mong halik na pumalit ay salitang masasakit. Yapos mong noo’y mainit tuluyan nang nanlamig.
Ang damdaming matagal nang nilimotMuling nagbalik nung ako ay iyong pinaikotNapagtantong hindi na pala dapat; ngunit tingnan mo parang tayong taludturan unti unting nag lapat.
Ang iskalang hindi lang ako ang lumikha, ang musika na sabay nating ginawa, hindi ko inaakalang itong mga matitinis at mabababang nota ang mundo natin ay minsa’y nag tugma.
Ang iyong tinig na nag silbing simula ng awit, ang pag ibig na ako sa’yo unti unti nang napapalapitAng koro ng liriko, nang aking pakinggan ay wala palang laman, napag tanto ko ako nga pala ay mangmang sa ganitong larangan.
Ako ay iniwan mo na para bang hindi na kumpletong soneto. Litong-lito ako bakit ulit ako nagpaloko.
Nagbakasakaling na baka ikaw ay naguguluhan pero ang huli kong nasabi, “Akala ko ay sapat na, ngunit ang labis sa akin para sa'yo ay kulang pa.”
Ikaw ang Iskala at ako ang musika, ikaw ang liriko at ako ang mag bibigay ritmo, para bang palaging pinag-iisa pero bakit tayong dalawa ay bakit hindi pinag tadhana?
| An Original by Mavie