Sunday, April 05, 2020

Dear Covid 19,








Dahil sa'yo,
mas lalo kong na-rerealize,


- na ang paghihintay ay talagang kailangan; kahit kakaunti ang pag-asa'y dapat ka paring manghawak at kumapit sa kung anong meron ngayon.


- na ang dating kalayaan (paglabas labas, pamamasyal, pagbili kahit sa tiangge or sa mall, pagbisita sa mga kaibigan, pagpunta sa kapilya, sa bangko, sa trabaho, at iba pa) - na kung saan walang hadlang dahil kahit anong oras, puwedeng lumabas ay sadyang napakalaking pagbabago nang ikaw ay sumapit sa aming kapatagan, sa aming bansa.


'yung dating nagagawang pumunta sa sa kahabaan ng Daang Reyna upang magjogging, ngayon ay tila sa gunita na lamang.

'yung dating pamamalengke nang saglitan ng walang inaalintana, ngayo'y lubhang laging may halong kaba at pag-iingat sa bawat galaw.

'yung dating pag-abot ng sukli at barya tuwing bibili'y, ngayo'y may kalakip nang alinlangan at extra aware na sa kalinisan, kaagad-agad naghuhugas ng kamay o mag-alcohol.

'yung alcohol na dati'y di ko pinapansin tuwing pumupunta ako sa Watsons at Mercury - ngayo'y out of stock lagi na.

'yung dating walang paki kung humawak ng pinto or door handles sa public places... ngayo'y halos, ayaw konang humawak.

'yung mga panahong puede kang makipaghandshake, at 'di na magawa ngayon dahil most of the time nasa loob na nang tahanan - na halos ang nakikita mo na lamang ay ang 'yong sariling pamilya; kung lumabas man ay kapwa mga estranghero na lamang na busy din sa pagbili ng kani-kaniyang pangangailangan.

'yung dating 'di alintana kung masikip man ang pampasaherong jeep, makasakay lang... ngayo'y pati ang public transportation ay tuluyan nang walang serbisyo. Kaya, naisip ko minsan - ang aking kapuwa, nagalalakad sa gitna ng kainitan araw - makapunta lang sa grocery store.

'yung mga panahong excited ako pagsapit ng Huwebes at Linggo kase tutupad ako papuntang kapilya, na ngayo'y 'di na puede dahil kailangang sumunod sa batas at para sa kaligtasan ko at ng kapuwa ko Filipino at mga kapanampalataya.

'yung mga times na kahit gabi, puede akong lumabas upang samahan ang aking babylove na alagang aso para makalanghap ng simoy ng hangin sa gabi at ma-enjoy ang walk at night - na ngayo'y bawal na.

marami pang iba... 
di ko na maisa-isa pa...

subalit ang 'di maalis sa isipan ko - ay paano na nakakatawid ang mga kababayan kong naudlot ang pinagkakakitaan?

alam ko, may tulong ang gobyerno namin subalit 'di naman 'yun kasapatan Covid. Maya't maya nauubos kaagad ang pantawid-gutom. Sa loobin ko, isinasama ko nalang sila sa aking mga panalangin.

at ang mga nakakariwasa nama'y wish ko na sana'y di sila makalimot, tumulong... kahit sa kaunting paraan, maibsan lang ang lungkot at bagabag ng mga nawawalan.

simple lang naman kung paano ako mamuhay noon, Covid.

ngunit simula nung dumating ka - lahat ng kasimplehan ng pamumuhay na naranasan ko, mukhang ipinagkakait mo pa.

'di naman kita sinisisi, sa totoo lang, mas marami pa akong na-rerealize habang nagtatagal ka sa aming lupain.


- natutunan kong maging mapag-tiis, mapagpasensiya, at higit sa lahat - umasa: na ang 'yong pagsapit ay may kabuluhan, may dahilan kung bakit ka nandito sa bansa namin o maging sa ibang mga bayan at mga banyagang lupain. 


- naintindihan ko rin at na-appreciate ang dulot mo; tulad ng pagkonti ng polusyon; ngayo'y nababalita na amin nang natatanaw ang mga mountain ranges... mga kabundukan na dati'y nababalot ng smog.


nababalitaan ko rin na mas naging bonded ang mga pamilya at nagkakaroon ng quality time - sana lahat, sana gawin ng lahat ang pagkakataong ito upang mas lalong tumatag at lumakas ang pamilyang Filipino tungo sa pagkakaisa.

akin ding nawiwika sa pamamagitan ng panulat na ito, ang pagtayo ng mga heroes in this pandemic era... mga front liners kung tinatawag - mula sa mga propesyong medikal, mga nurses, doktors atbp, maging nang mga kababayan kong sa unang tingin ng nakararami, 'yung hindi blue or white collar jobs ay parang mababa ang antas, subalit ngayun, tulad ng pagiging isang janitor (na nagmementena ng kalinisan), or bagger or cashier sa mga grocery stores - ay lubhang napakahalaga nila. 

kung wala sila ngayon - saan kaya tayo pupulutin?

naalala ko ung usapan namin ng isang cashier nung nakaraang mag-grocery ako last week. kinumusta ko siya.., ang haba kase ng pila at halos 2 hours na akong nakatayo ngunit siya - mukhang kanina pa nagseserve ng mga customers sa pila. kinurot ng bahagya ang aking puso nung sabihin niya "ayos lang naman Sir, kanina pa ako rito pero masaya naman akong paglingkuran ang mga customers namin para may makain din ang pamilya nila kase balita ko, nagkakaubusan na ng stocks sa ibang store"



Covid, siguro marami pang ibang may karanasang positibo simula nung ikaw ay dumating, ang sa kin ay 'di ko na mabanggit lahat. Subalit patuloy kong nililimi sa aking sarili ang iba pang introspeksiyon ng 'yong pagkalat.


- maaaring sa karamihan ay go-with-the-flow, 'yung iba siguro'y 3-5 steps in advance na ang kanilang mga plano kung mas lalala pa ang sitwasyon, 'yung iba naman siguro'y nag-aalala ng matindi or baka may iba na nadedepress na.




Kaya, Covid - kung maaari sana, pagkatapos ng lahat ng ito -

natuto na kaming tunay

naimulat sa 'min ang tamang aktuwasyon pag normal na uli ang lahat

na 'yung iba naming kababayan - sana 'di nawawalan ng pag-asa

na patuloy manghawak at manalig - na maayos din ang lahat

na pagdating ng panahon - madaling bumalik sa normal

pagdating ng araw - ang ngiti parin ang sisilay sa aming mga labi

at mapupuno pa rin ang aming puso, ng kagalakan.

pagdating ng araw...













_original composition by: billymacdeus

1 comment:

  1. Covid gave us flavorful experience in life. Some people find the experience sweet, some bitter, maybe other salty or even spicy. But come what may, let's use this experience to be wiser, stronger physically, mentally, emotionally and spiritually.

    ReplyDelete