Monday, March 02, 2020

Martilyo, Pako, At Ang Aso







"May martilyo, may pako, anong tunog? Pokpok"
ating inaawit noong tayo'y bata


May martilyo, may pako, anong sunod?
pangakong pinako mo, naiwan sa mga tala



Mga pangakong sinambit mo sa akin noon,
Mga pangakong pinaniwalaan kong matutupad.
Mga pangakong pinaniwalaan ko noon,
Mga pangako na tila ba ay nilipad



Ang dating ilog na malakas ang agos
Ngayo'y isa nang disyertong hindi inuulan
Tinapay na malambot at sa init ay nakakalapnos
Nagmistulang batong matigas,
binabato kahit saan



Ang sinigang na masarap at nakakakilig ang asim
Na kung inulam mo sa isang taon araw-araw
Ito rin ay iyong aaywan, wala ni isang tikim,
na mas nanaisin mong mamatay sa gutom o uhaw



Ito ang silakbo, hindi lamang ng aking balintataw,
kundi, pati ng aking umuungol na puso,
handa na ako na ika'y pakawalan, 
kamay ko'y ibitaw
King ito rin ang siyang magpapasaya sa akin;
hindi sa 'yo.



Sa pagkakataong ito, hindi na ikaw ang pipiliin
bagkus sarili ko na ang siyang papahalagahan
Ako naman ang aking pipiliing mahalin
Hindi na ikaw na ako'y sinugatan lamang.








(may part 2.... sundan ang susunod na kabanata sa panulat ni Lanz Aidan)

No comments:

Post a Comment