Monday, June 15, 2020

Ever Grateful To You Forever More



It's been a wee bit two weeks, i am still stoked. Speechless at times.
How You blessed me, Your abounding grace - Your endless love.


The lift and boost to my confidence - You gave, without hesitation.
You answered my prayers - even amidst the darkness and chaos.


You have been so loving, so kind, and all the more caring.
Words, and even sentences cannot describe Your grand love.


For You have lifted my spirit, my body and my mind.
I came to write this - to carve again digitally, how wonderful You are.


I wanted to let the world know; those who stumble upon this page,
That You are the Almighty, all powerful God!


The God of Adam and Eve; the God of Abraham; of Jacob
Of Israel.. and the same God whom we are worshipping today.


The God of the christian church; of whom Your son has redeemed.
The God of the Church of Christ - in these last days.


I am thankful. Beyond grateful. Beyond praises.
For You have been ever true - to Your promises.






























~ Original Poetry by billymacdeus
in lieu to the abounding blessings received
#hgsLife

Wednesday, June 10, 2020

Bawal

warning: this is not to evoke thoughts of the parallel universe. read with caution and only for the entertainment of the mind, and soul.









hinahanap ko lasa mo
yung pait sa labi ko
yung usok na lalabas sa bibig ko
alam kong masama
nakakamatay pa nga
pero masarap ang bawal
ano kaya kapag tinikman ko
ang tulog na walang katapusan
masarap rin kaya?


(bawal // 101419)

Original Poetry by NDL




Tuesday, June 09, 2020

Kislap na Nawala




Isang simpleng pang aasar na nauwi sa isang lihim na pagtingin.
Ako kaya'y iyong ibigin?
Ako'y patuloy na nagpapapansin.
Ngunit nasa iba nga pala ang iyong tingin.

Makikita mo kaya?
Makikita mo kaya ang bituing may mahinang kislap?
Makikita mo kaya ang kinang na hindi makita ng iba?
Makikita mo kaya ang bituing nagtatago sa alapaap?

Masaya akong makilala ka.
Masaya akong maging kaibigan ka.   
Masaya akong nagustuhan kita.
Masaya aking minamahal kita.

Inisip kong paano kung ako siya?
Paano kung ako yung maningning at nagliliwanag?
Paano kung ako yung bituing iyong tinitingala?
Magiging tayo kaya?

Napagpasiyahan kong mas mabuti ngang hindi na kita gambalain pa.
Batid ko kasing ika'y masaya na sa kaniya.
At hindi mo na ako kailangan pa,
Kaya eto ako ngayon at ang ningning ay nawala na.




Original Content Poetry by Aeril 

Friday, June 05, 2020

Anong Ginagawa Mo?



Simula ng tumama
Salot na nagmula Sa ibang Bansa Mga tao ay wala ng nagawa Iba man ay apektado Pinilit lumabas kahit delikado Sa bantay ng lansangan tayo ay saludo Una ang ama ng bayan ang ating pangulo (PRRD) Hakbang ng iba nagtiktok Para maiwasan sobrang pagkabagot Ang iba nman mensahe ay humuhugot Makatang dila'y dagliang nahubog Samakatuwid iba iba ang resulta Nang melenyal na ngayoy pangdemya Hinahanapan pa ng lunas at bakuna Para kahit sa paanoy magaaral ay makapagaral na sila Mga estudyanteng kabataan Bahay bahay ang silid-aralan Pinapanukalang pag-aaral ay doon na lamang
Bastat may kumpyuter kumonek sa internet lamang Karamihan naman pagbili ang inaatupag Minsay pagtitinda ng produkto pagkain sa hapag Kadalasay bitamina pampaganda Kasabay Ng sumba, at nang pag eehersisyo Mga may hanap buhay sa bahay ginawa Upisina nilay kawarto oh kayay Sala Malimit sa dakong di sila magambala Ng kanilang pamilya Magpahanggang ngayon ganito ang sistema Mga driver tigil pasada muna Anu kaya ginagawa nila? Para may maipang tustos sa pamilya Anu kayang diskarte nila ngayong panahon ng pangdemya



~ Credits to James Riazo

Thursday, June 04, 2020

Ako'y Maghihintay








Binibilang ang bawat patak ng ulan Kung kailan matatapos ay hindi ko alam Katulad ng paghihintay na tila walang katapusan Hinihiling na sana nama'y masuklian Pagmamahalang ipinagdarasal na mabigyang katuparan Naranasan mo na bang matagal na magisa? Sa pagmumuni muni'y nalimutan na kailangan mo ring maging masaya Hanggang isang araw natuklasan ang tunay na ligaya ay wala na pala Tawa at ngiti sa iyong mga labi kaytagal na napawi na Ilang tawag ng pag ibig na ba ang pinalagpas? Nanghihinayang sa tuwinang maaalala ang nakalipas Mas piniling sarilinin ang panahon at ang oras Nagpaikot ikot sa gitna ng mundo na tila ang bukas ay wala nang wakas Kung tadhana'y naririnig sinasambit ng aking bibig At sakaling dumating isa pang pag ibig Na sa tuyot na puso'y muling magbibigay pintig Yayakapin ng mahigpit at ikukulong sa bisig Hahayaang ang aking damdamin ang maging musika at magpahayag ng aking himig



® Poetry by Michael Sebastian