Isang simpleng pang aasar na nauwi sa isang lihim na pagtingin.
Ako kaya'y iyong ibigin?
Ako'y patuloy na nagpapapansin.
Ngunit nasa iba nga pala ang iyong tingin.
Makikita mo kaya?
Makikita mo kaya ang bituing may mahinang kislap?
Makikita mo kaya ang kinang na hindi makita ng iba?
Makikita mo kaya ang bituing nagtatago sa alapaap?
Masaya akong makilala ka.
Masaya akong maging kaibigan ka.
Masaya akong nagustuhan kita.
Masaya aking minamahal kita.
Inisip kong paano kung ako siya?
Paano kung ako yung maningning at nagliliwanag?
Paano kung ako yung bituing iyong tinitingala?
Magiging tayo kaya?
Napagpasiyahan kong mas mabuti ngang hindi na kita gambalain pa.
Batid ko kasing ika'y masaya na sa kaniya.
At hindi mo na ako kailangan pa,
Kaya eto ako ngayon at ang ningning ay nawala na.
Original Content Poetry by
Aeril