Wednesday, May 27, 2020

Ang Tamang Mindset sa Panahon Ngayon



Oo andami kong gusto: mga bagay na aking nakita, mga naramdaman na gusto kong maulit, mga nasa kong nais matupad, mga pangarap kong naimpluwensiyahan mula sa aking mga kaibigan, ang taong gustong-gusto kong makasama, ang ultimate dream ko na pinaglalaanan ng panahon para matupad.

Marami pang iba, di ko na ito maisa-isa pa.


Pero alam mo? Lahat ng 'yun ay pawang lilipas din - maybe not now, not tomorrow but soon... soon it will be gone.


Paano? I guess it's not the question of how but the question of when. Tama, kailan lilipas ang lahat ng bagay at mga "nasa" ng isipan at puso? Pagdating ng araw kung saan - ang kamalayan mo ay huminto na, o pagdating ng panahon na ang lahat ay naglaho na at napalitan ng totoong "kapayapaan".












Tuesday, May 26, 2020

Healing




























the thing about healing is that you don't know you've healed
till the same things don't make you cry anymore.  

and the thing about abusers is that they say the same things, 

prick the same wounds over and over again, 
till your scars begin to look like symbols of your victories 
rather than the remnants of a war.  

but your body is not a battlefield, 
it is not a graveyard of everything you lost. 

all blood and sweat and dreams 
of how the only storms we need to come out from 
are the ones inside us. 

you are music even in the noise. 

you are the kind of poetry we only dream about.



~Credits to Meowter Space ( submission )

When you're young, you wish you're old; when you're older, you wish you can turn back time...







When you're young, you wish you're old; when you're older, you wish you can turn back time...

Bakit nga ba?

Dahil kailangan nating masuong sa iba't ibang uri ng panahon upang makamtan natin ang tinatawag na kaalaman.

Pansin mo ba, nung bata tayo - nagmamadali ang ating isipan na sana'y tumanda tayo kaagad? Pagkat nais nating magtamo ng kaalaman at eksperiensiya.

At pansin mo rin na ngayo'y tumatanda na, nais nating balikan ang kahapon hindi dahil itama ang mga maling nagawa natin kundi dahil nakamtan natin ang kaalaman at gagamitin natin ito sa tamang panahon at pagkakataon.

Without these experiences, may it be loneliness, sorrows, fulfillment and happiness - all will just be pieces of the puzzles, scattered around... never completed.











Monday, May 25, 2020

Walang Masama Kung Manatili Kang Tapat At Maibigin



Isang aspeto sa tao ang constant change - happening around him and within his self, including his principles and morales.

Pero dalawang bagay ang dapat isaalang-alang na panatilihin - ang pag-ibig at pagiging tapat, para sa 'yong sarili at sa mga paniniwala mo sa buhay (mga prinsipyo at moral).

Sa quarantine life natin ngayon, 'di maiiwasan ang mas lalong pag-iisip ng mga bagay-bagay, introspection at paglilimi-limi. Hayaan mong punuin mo ang 'yong sarili ng katapatan at maging maibigin sa lahat ng pagkakataon.












Sunday, May 24, 2020

May Bago Kana!


Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong nagtampisaw sa musika
Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong takot na malayo sa isa't isa
Naaalala mo pa ba? Nung binitawan mo ang mga salitang tumatak sa damdamin nating dalawa
Naaalala mo pa ba? Nung lumisan kang walang paalam pero sinubukan kong habulin ka
Naaalala mo paba? Siguro hindi na.


Hindi ko alam kung pa'no tayo dinala ng musika sa pagitan ng "ikaw at ako"
Walang kasiguraduhan kung liliko ba o dediretso
Teka.. MagKA-ibigan paba tayo? Bakit parang Magka-IBIGAN na nga tayo?


Tumigil ang mundo nang sinabi mong ako'y mahal mo
Medyo napaisip ako.. Bakit ako?


Hindi ako maporma kung manamit
Aaminin ko ako'y pangit
Pero ako hahawak ng gitara at sabay tayong aawit
Sabay tayong kakanta hanggang sa tayo'y mangawit


Ang kalangita'y maliwanag
Sing liwanag ng dalawang pusong lumulundag
Lumulundag sa saya't pagmamahal
Na para bang wala na ngang makakapaghiwalay









































Sana nga ay huwag nang matapos
Kahit na ang bawat kanta'y may wakas
Umaaasa parin sa wagas
Pinipilit huwag kumalas
Sa mga pangakong iyong ibinigkas


Pero, sa sobrang ganda ng ating awit
Hindi ko na inisip
Na maaari palang managinip nang hindi nakapikit


Gumising ka, gumising ka sa katotohanang wala nga palang tayong dalawa
Gumising ka, gumising ka at iniwan mo akong nag-iisa
Hinanap kita! Hinanap kita sa kalagitnaan ng aking panaginip
Pinipilit kong gumising pero patuloy ang pagsilip
Ng mga larawan nyong dalawa na para bang kayo lang ang masaya..


Eto ako ngayon.. Nakatitig sa inyong dalawa
Sobrang lungkot at parang wala nang gamot
Gabi gabing balisa, basa ang mga unan at araw-araw na nayayamot
Pinipilit bumangon sa pagkalugmok


May bago kana, mukhang matalino sya
May bago kana, sa bagay.. Maitsura sya
May bago kana, dahil nag-iba na ang kanta
May bago kana at bagay kayong dalawa





Original Content Poetry by
Seagull
(you may follow Seagull's  twitter: @daeimnidaa)