Gulong gulo ang isip ko
Hindi mapakali, natutuliro
Lalo na kapag iniisip kita
Na laging sumasagi...TAMA NA!!!
iniiwasan kita upang matapos na
Ang mga sakit na dulot mo'y mawala na
Ngunit hindi mabubura ang sugat
Na nagpapaalala na naging lamat
Na ang kahapon ay muling ipapadama
Na tayong dalawa ay bumitaw
Habang sa paglubog ng araw.
Sa bakas na iniwang lamat
Na nagpupumiglas hanggang sa naging sugat
Sugat na nagdurugo sa sobrang sakit...
Na handang tiniis ang pait
Na ang luha ay bumaha at dumaloy
Sa kailaliman ng puso
Salamat sa paalala sa sakit na dulot mo
Handa kong suungin ang bagyo
Upang ipakita sa iyo na kaya ko
kaya ko nang kalimutan ka..
Salamat sa iginuhit mong pangalan
Na bumuo sa parte ng puso ko'y inilaan
Pangalan na nakatatak upang ipaalala
Na ikaw ang dahilan kung bakit nakompleto
Itong kapiraso ng pusong may lamat
Na kahit anong alamat ay hindi na mapapalitan ng pamagat
sapagkat inukit ang mapait na kahapon na tayong dalawa ay nagkalamat.
kaya sinta, salamat sa...lamat.
® Poetry by Kryss Delos Santos
#submissions
#poetry