Ang sabi mo: "Tara! Kape tayo..."
Ako naman, agad-agad na nagreply: "Sigiii!, anlamig kase, naulan at kailangang gumalaw-galaw".
At ayun na nga, nagkita tayo sa McDo; instead na mag-dine in tayo, we ended doing a drive-thru and digging in to our orders sa sasakyan, nagpark tayo kasi halos walang nakaparking, infact, parang tayo lang ang customers during that wee hours ng early Sunday. At isa iyon sa mga dahilan siguro, 'yung parang sarili natin ang mundo, kung bakit ka biglang nag-open up ng iyong mga saloobin.
Ang sabi mo: "Life is just so unfair, alam mo yon? 'yong halos ginagawa mo naman halos ang lahat para makatawid sa araw-araw pero kulang parin."
Sabay ang iyong buntong-hininga.
Ramdam ko ang bigat ng hirap ng kalooban mo, the fact na pinatay ko ung AC ng sasakyan, mas lalo kong nafeel 'yong emotions mo, kaya hindi ako kaagad nakapag-react.
I tried my best to put my words into something that would take away somehow the gravity of your problems ngunit para akong napipi. Ang tangi kong nasambitla ay: "Anong meron?"
While me enjoying my coffee and sipping it slowly, ramdam ko uli na parang gusto mong umiyak habang you're trying to mix the cream and sugar.
Sa garalgal mong tinig, nasabi mo ang mga ganito: "Parang 'di ko na kaya, ang mga sunod-sunod na nangyayari sa aking buhay, at sa aming pamilya. Alam mo naman, ako halos ang sumasagot sa mga gugulin namin."
"Tanggap ko na iyon, pero nito ngang lately lang, another sad news came in... at napaisip ako, sadya nga bang ito ang destiny ko or i was just being tested - kung kelan ako makakatagal?"
I immediately cut you off: "Anong sad news? Ano bang nangyari???!"
At ayun na nga, bigla kang humagulgol at sabay yakap sa akin. Ramdam ko ang mainit na mga luha sa pagpatong ng 'yong mukha sa aking mga balikat.
~ Othello
Sunday morning at Mcdo Philippines