Showing posts with label poetry2020. Show all posts
Showing posts with label poetry2020. Show all posts

Sunday, May 24, 2020

May Bago Kana!


Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong nagtampisaw sa musika
Naaalala mo pa ba? Nung parehas tayong takot na malayo sa isa't isa
Naaalala mo pa ba? Nung binitawan mo ang mga salitang tumatak sa damdamin nating dalawa
Naaalala mo pa ba? Nung lumisan kang walang paalam pero sinubukan kong habulin ka
Naaalala mo paba? Siguro hindi na.


Hindi ko alam kung pa'no tayo dinala ng musika sa pagitan ng "ikaw at ako"
Walang kasiguraduhan kung liliko ba o dediretso
Teka.. MagKA-ibigan paba tayo? Bakit parang Magka-IBIGAN na nga tayo?


Tumigil ang mundo nang sinabi mong ako'y mahal mo
Medyo napaisip ako.. Bakit ako?


Hindi ako maporma kung manamit
Aaminin ko ako'y pangit
Pero ako hahawak ng gitara at sabay tayong aawit
Sabay tayong kakanta hanggang sa tayo'y mangawit


Ang kalangita'y maliwanag
Sing liwanag ng dalawang pusong lumulundag
Lumulundag sa saya't pagmamahal
Na para bang wala na ngang makakapaghiwalay









































Sana nga ay huwag nang matapos
Kahit na ang bawat kanta'y may wakas
Umaaasa parin sa wagas
Pinipilit huwag kumalas
Sa mga pangakong iyong ibinigkas


Pero, sa sobrang ganda ng ating awit
Hindi ko na inisip
Na maaari palang managinip nang hindi nakapikit


Gumising ka, gumising ka sa katotohanang wala nga palang tayong dalawa
Gumising ka, gumising ka at iniwan mo akong nag-iisa
Hinanap kita! Hinanap kita sa kalagitnaan ng aking panaginip
Pinipilit kong gumising pero patuloy ang pagsilip
Ng mga larawan nyong dalawa na para bang kayo lang ang masaya..


Eto ako ngayon.. Nakatitig sa inyong dalawa
Sobrang lungkot at parang wala nang gamot
Gabi gabing balisa, basa ang mga unan at araw-araw na nayayamot
Pinipilit bumangon sa pagkalugmok


May bago kana, mukhang matalino sya
May bago kana, sa bagay.. Maitsura sya
May bago kana, dahil nag-iba na ang kanta
May bago kana at bagay kayong dalawa





Original Content Poetry by
Seagull
(you may follow Seagull's  twitter: @daeimnidaa)

Saturday, May 23, 2020

Covid19, Kelan Ka Lilipas?
























Ano ba'ng nangyari?

Waring lahat ay nagbago, sa isang iglap.
Subalit sa bawat sulok nitong tahanan nami'y walang pinagbago.


Ang kasaysayan, muli na naman bang mauulit?
Pandemyang, ngayo'y lumalaganap sa panahong 'di inaasahan, ni sa hinagap
ito'y magaganap.


Ngunit ang nakakalungkot... gamot at lunas ay sadya pang mailap

Sa kabilang panig naman, unti-unting luminis ating kalikasan
Dulot niyaon ay magandang balita sa likas-na-yaman
Maging nang mga hayop at ng mga halaman

Ako rin baga, ay naiinip na!
Naiinip na! pati mga tao, sa bagal ng oras

Madalas na itanong sa likod ng isipan
"Gaano pa katagal bago ka lilipas?"
Maraming araw na ang nagwakas, sa isip at diwa'y matapos na kaya ito bukas?


Sino ba ang nakakaalam anong dulo nito?
Ni ang kahihitnan nating lahat, nitong paligid at nang buong sanlibutan Lahat ay nakabinbin, naghihintay, nag-aabang.
Kelan ka magwawakas, Covid-19?




® Poetry by
James Riazo

Tuesday, May 19, 2020

The Unsung Hymn Of Our Hearts


How many times would i listen to our favorite song?
Before i realize i was too late to bring you back,

I couldn't discern any more between reality and illusion
Or am i just getting stoned by the endless pang of regret?

I wouldn't want you back..., but the crisp, vivid memories
are just so hard to let go, so brief yet full of bliss,

"Do me a favor baby, put down your new God"
the song goes, over and over again,




The melancholic rhythm drowns me,
allowing me to breathe once and for all

To cherish and reminisce
the good times... our downsides

and yes, even the pledge..
the silent intimacy that was never spoken

where the language of action,
murmured in pain and disbelief

and, in glorious affection
to finally submerge the unsung hymn of our hearts









throwback poetry from 2011 
® billymacdeus

Wednesday, May 13, 2020

You Are Enough







You're seven years younger
You're still enough for me
Age is not a measure of the ability to love
You are wiser than your years


You are far from the place I live
You're still enough for me
Distance makes us love harder
Together we conquer miles apart


You are not beside me right now
You're still enough for me
Everyday messages gives more presence
Our hearts beat as one in love


You are more than enough my love
You fill my love cup to the brim!





guestpost by Kai Cauilan

_visit her instagram  @indi_pendent8

Friday, May 08, 2020

Still Holding On





As the sun touches the sky, i see my reflection in your eyes
Because you are the sweetest thing, I have ever seen
Never before anything this world hath bring


I played with words to describe you in my mind
And yet this heart cannot fathom of what it is to last
For i yearn, i long and fervently seek you


And no matter what the winds of destiny will share
Or the murmurs of pains and bliss may be
You shall forever, etched in my heart endlessly


_billymacdeus




Thursday, April 09, 2020

Chicharap


chicharap



we were young
we were one
it feels somebody
smilin'

you'll be so high
you'll be flyyyyy yen

it feels somebody
chicharap...




alam ko, sa may Halo-halo house to along BNT - masarap ang chicharap nila dito








_original poetry: billymacdeus

Sunday, April 05, 2020

Dear Covid 19,








Dahil sa'yo,
mas lalo kong na-rerealize,


- na ang paghihintay ay talagang kailangan; kahit kakaunti ang pag-asa'y dapat ka paring manghawak at kumapit sa kung anong meron ngayon.


- na ang dating kalayaan (paglabas labas, pamamasyal, pagbili kahit sa tiangge or sa mall, pagbisita sa mga kaibigan, pagpunta sa kapilya, sa bangko, sa trabaho, at iba pa) - na kung saan walang hadlang dahil kahit anong oras, puwedeng lumabas ay sadyang napakalaking pagbabago nang ikaw ay sumapit sa aming kapatagan, sa aming bansa.


'yung dating nagagawang pumunta sa sa kahabaan ng Daang Reyna upang magjogging, ngayon ay tila sa gunita na lamang.

'yung dating pamamalengke nang saglitan ng walang inaalintana, ngayo'y lubhang laging may halong kaba at pag-iingat sa bawat galaw.

'yung dating pag-abot ng sukli at barya tuwing bibili'y, ngayo'y may kalakip nang alinlangan at extra aware na sa kalinisan, kaagad-agad naghuhugas ng kamay o mag-alcohol.

'yung alcohol na dati'y di ko pinapansin tuwing pumupunta ako sa Watsons at Mercury - ngayo'y out of stock lagi na.

'yung dating walang paki kung humawak ng pinto or door handles sa public places... ngayo'y halos, ayaw konang humawak.

'yung mga panahong puede kang makipaghandshake, at 'di na magawa ngayon dahil most of the time nasa loob na nang tahanan - na halos ang nakikita mo na lamang ay ang 'yong sariling pamilya; kung lumabas man ay kapwa mga estranghero na lamang na busy din sa pagbili ng kani-kaniyang pangangailangan.

'yung dating 'di alintana kung masikip man ang pampasaherong jeep, makasakay lang... ngayo'y pati ang public transportation ay tuluyan nang walang serbisyo. Kaya, naisip ko minsan - ang aking kapuwa, nagalalakad sa gitna ng kainitan araw - makapunta lang sa grocery store.

'yung mga panahong excited ako pagsapit ng Huwebes at Linggo kase tutupad ako papuntang kapilya, na ngayo'y 'di na puede dahil kailangang sumunod sa batas at para sa kaligtasan ko at ng kapuwa ko Filipino at mga kapanampalataya.

'yung mga times na kahit gabi, puede akong lumabas upang samahan ang aking babylove na alagang aso para makalanghap ng simoy ng hangin sa gabi at ma-enjoy ang walk at night - na ngayo'y bawal na.

marami pang iba... 
di ko na maisa-isa pa...

subalit ang 'di maalis sa isipan ko - ay paano na nakakatawid ang mga kababayan kong naudlot ang pinagkakakitaan?

alam ko, may tulong ang gobyerno namin subalit 'di naman 'yun kasapatan Covid. Maya't maya nauubos kaagad ang pantawid-gutom. Sa loobin ko, isinasama ko nalang sila sa aking mga panalangin.

at ang mga nakakariwasa nama'y wish ko na sana'y di sila makalimot, tumulong... kahit sa kaunting paraan, maibsan lang ang lungkot at bagabag ng mga nawawalan.

simple lang naman kung paano ako mamuhay noon, Covid.

ngunit simula nung dumating ka - lahat ng kasimplehan ng pamumuhay na naranasan ko, mukhang ipinagkakait mo pa.

'di naman kita sinisisi, sa totoo lang, mas marami pa akong na-rerealize habang nagtatagal ka sa aming lupain.


- natutunan kong maging mapag-tiis, mapagpasensiya, at higit sa lahat - umasa: na ang 'yong pagsapit ay may kabuluhan, may dahilan kung bakit ka nandito sa bansa namin o maging sa ibang mga bayan at mga banyagang lupain. 


- naintindihan ko rin at na-appreciate ang dulot mo; tulad ng pagkonti ng polusyon; ngayo'y nababalita na amin nang natatanaw ang mga mountain ranges... mga kabundukan na dati'y nababalot ng smog.


nababalitaan ko rin na mas naging bonded ang mga pamilya at nagkakaroon ng quality time - sana lahat, sana gawin ng lahat ang pagkakataong ito upang mas lalong tumatag at lumakas ang pamilyang Filipino tungo sa pagkakaisa.

akin ding nawiwika sa pamamagitan ng panulat na ito, ang pagtayo ng mga heroes in this pandemic era... mga front liners kung tinatawag - mula sa mga propesyong medikal, mga nurses, doktors atbp, maging nang mga kababayan kong sa unang tingin ng nakararami, 'yung hindi blue or white collar jobs ay parang mababa ang antas, subalit ngayun, tulad ng pagiging isang janitor (na nagmementena ng kalinisan), or bagger or cashier sa mga grocery stores - ay lubhang napakahalaga nila. 

kung wala sila ngayon - saan kaya tayo pupulutin?

naalala ko ung usapan namin ng isang cashier nung nakaraang mag-grocery ako last week. kinumusta ko siya.., ang haba kase ng pila at halos 2 hours na akong nakatayo ngunit siya - mukhang kanina pa nagseserve ng mga customers sa pila. kinurot ng bahagya ang aking puso nung sabihin niya "ayos lang naman Sir, kanina pa ako rito pero masaya naman akong paglingkuran ang mga customers namin para may makain din ang pamilya nila kase balita ko, nagkakaubusan na ng stocks sa ibang store"



Covid, siguro marami pang ibang may karanasang positibo simula nung ikaw ay dumating, ang sa kin ay 'di ko na mabanggit lahat. Subalit patuloy kong nililimi sa aking sarili ang iba pang introspeksiyon ng 'yong pagkalat.


- maaaring sa karamihan ay go-with-the-flow, 'yung iba siguro'y 3-5 steps in advance na ang kanilang mga plano kung mas lalala pa ang sitwasyon, 'yung iba naman siguro'y nag-aalala ng matindi or baka may iba na nadedepress na.




Kaya, Covid - kung maaari sana, pagkatapos ng lahat ng ito -

natuto na kaming tunay

naimulat sa 'min ang tamang aktuwasyon pag normal na uli ang lahat

na 'yung iba naming kababayan - sana 'di nawawalan ng pag-asa

na patuloy manghawak at manalig - na maayos din ang lahat

na pagdating ng panahon - madaling bumalik sa normal

pagdating ng araw - ang ngiti parin ang sisilay sa aming mga labi

at mapupuno pa rin ang aming puso, ng kagalakan.

pagdating ng araw...













_original composition by: billymacdeus

Monday, March 02, 2020

Martilyo, Pako, At Ang Aso







"May martilyo, may pako, anong tunog? Pokpok"
ating inaawit noong tayo'y bata


May martilyo, may pako, anong sunod?
pangakong pinako mo, naiwan sa mga tala



Mga pangakong sinambit mo sa akin noon,
Mga pangakong pinaniwalaan kong matutupad.
Mga pangakong pinaniwalaan ko noon,
Mga pangako na tila ba ay nilipad



Ang dating ilog na malakas ang agos
Ngayo'y isa nang disyertong hindi inuulan
Tinapay na malambot at sa init ay nakakalapnos
Nagmistulang batong matigas,
binabato kahit saan



Ang sinigang na masarap at nakakakilig ang asim
Na kung inulam mo sa isang taon araw-araw
Ito rin ay iyong aaywan, wala ni isang tikim,
na mas nanaisin mong mamatay sa gutom o uhaw



Ito ang silakbo, hindi lamang ng aking balintataw,
kundi, pati ng aking umuungol na puso,
handa na ako na ika'y pakawalan, 
kamay ko'y ibitaw
King ito rin ang siyang magpapasaya sa akin;
hindi sa 'yo.



Sa pagkakataong ito, hindi na ikaw ang pipiliin
bagkus sarili ko na ang siyang papahalagahan
Ako naman ang aking pipiliing mahalin
Hindi na ikaw na ako'y sinugatan lamang.








(may part 2.... sundan ang susunod na kabanata sa panulat ni Lanz Aidan)

Loyalty






















Be careful in your plenty, forget not - your Creator
Do not lose your loyalty;
may you ever be truthful -
with integrity


Be not like the children, any longer
With no certainty in their decisions,
like the waves tumbling down the shore - back and forth
always changing minds


Be not of service to two masters
For you'd be bound to love and hate - one or the other.
Therefore, your love must be loyal;
unwavering, ever steadfast


Never tire of being loyal
for there is a gift - this you must desire.
He will be good to you,
He will protect you from harm
He will rescue you from your supplications
Providing you a long life,
and great blessings will come -
with His abounding love.





ˆbillymacdeus

Sunday, March 01, 2020

Malapit Na...






















Ansabi mo? Pagod kana...?



'Nubayan, kala ko matibay ka! Lamya mo pala eh.
kaunting hirap lang nais mo nang sumuko
tumayo ka nga!
lika dito, pahinga ka muna.
pero saglit lang ha,
nagmamadali na kasi eh.
baka maabutan tayo na nagpapahinga.
'di naman bawal magpahinga pero
mas maigi nang maabutan tayu nang nasa paggawa
sakali mang dumating ang may-ari ng bahay
mas mabuti nang dumating siya na nakikita Niyang
nasa paggawa tayo ng kaniyang inaasahan

alam ko namang malapit nang matapos to
sandali nalang..
sana makatagal ka...
sabay nating sapitin ang hangganan
nitong paglalakbay at ng paggawa
ng inaasahan sa 'tin.
Wag kang mag-alala
halos, lahat ng mga tanda ay natutupad na.
Actually, lahat natupad na pala...
inaantay nalang natin, ang pagdating niya
kaya kung ika'y napapagod pa,
isipin mo nalang - naandiyan na siya,
sa mga pintuan,
wag ka nang malumbay...
wag ka nang manlupaypay...
tara na! Sige ka... baka maiwan ka pa.









ˆbillymacdeus

Friday, February 28, 2020

You Don't Belong In Hell








There's no justice here on earth

That's the reason we fight

We thrived and tried to be the best

Yet everybody failed to stay right




On earth, we can never escape our own competitions

Can never know if the finish line can reach the top

Here's all the lesson, here's all our season

We fall and get back up, it's how we grow up




Losers are losers for a reason

Champions are champions for a reason

We're not the golds and diamonds we think we are

We're never the same kid who talked about how bright things are




For it's best to,




Sacrifice this limited time for the unlimited

Turn it up, 

Light it up, 

this world will soon be over

save your friends




before all things burn forever.











_credit to Paolo Castillo_







Wednesday, January 01, 2020

Happy 2020!!!










Kamusta naman ang pasok ng 2020 niyo?

Masaya o malungkot?

Heartbroken paren o inspired because of love?

Nakangiti o nakasimangot?

Steady lang o inaantay mo pa 'yung the öne?

Nagkausap ba kayo o deadmahan lang?

Kahit "happy new year"di ka ba niya ni-greet?

Awww, kung hinde, kawawa ka naman....

Pero okay lang, kabigin mo muna

ang nadarama mong 'di nakakatuwa

hayaan mo muna dahil ang da wan

darating din, malay mo baka sa January na

or sa Pebrari - baka mameet mo na siya

or baka siya na nga, yun anjaan sa tabi tabi

di mo lang napapansin kase sa iba ka

nakatingin.

hahahah!

tumawa ka nalang.

twenty twenty naaaaah!

bente bente, pero asan na ba?

sabi niya antay antay lang daw.

makaka antay ka pa ba?




ˆbmvd ®