Kailan ba ako huling nagbunga? Ahhhh, tanda ko pa... September 2022 kase si-net ko sa digital calendar na yearly recurring para di ko makalimutan ang bautismo ng aking akay; year 2022--kasalukuyang may pandemya noon (nasa mga huling yugto na ng Covid Pandemic) subalit hindi hadlang ang pagpapabautismo.
Fast forward to 3rd quarter ng 2023, nakipag-usap uli ako sa pamamagitan ng panalangin, na sana'y bigyan ako ng aakayin at aalagaan upang makabahagi sa gawaing pagpapalaganap.
Final Screening Sa Lokal ng Bayang Luma |
Dito ko nakilala si Kuya Erwin, nakatambay siya sa mga upuan sa may 711 sa labas, umiinom ng Coke, kasama ang isang construction worker din na halos edad ay sa tingin ko mga turning 50s. Pagpasok ko sa 711, my mind was multi-tasking, infact ang iniisip ko noon ay kung saan ako mag-aanyaya upang magkaroon ng panauhin sa gagawing pamamahayag sa kinabukasan. I finished paying the 1.5 Liter bottle of Sprite and headed outside already to my vehicle to drive home pero inisip ko, "makapag-anyaya nga sa dalawang mamang nakatambay".
Initially, I asked Kuya in the 50's to join the Pamamahayag tomorrow night, he declined immediately saying that he's a construction worker leaving work at 5PM at umuuwi sa Marikina daily, I tried to do my usual rebuttals and asked him further on his availability but he was politely declining, kaya I didn't pursue any longer to invite him.
I then tried my luck kay Kuya Erwin, I noticed that he has a bike where his arms are rested on the front handles, so I asked if he's free tomorrow for a Bible Study. He seemed interested and I could sense his willingness to participate. I locked in our date and place for meet-up at pagsundo, and the rest is history.
Fast forward to May 2024... Kuya Erwin got baptized inside the Church. He went through the formal and usual path of indoctrination and sinusubok stages, until the final screening. With God's grace and love, he became a candidate for baptism and finally got baptized, and officially registered as a member of the Iglesia Ni Cristo.
___
Ang mag-akay at magbunga ay hindi isang madaling bagay. Naalaala ko ang isang talata sa Bibliya... "...agawin ninyo sila sa apoy, kaawaan ninyo sila". The verse is conveying it in a figurative manner, subalit I realized that it can also be in a literal manner, there are times mapapaso ka at ang pag-agaw ay hindi madali.
Araw Ng Bautismo - Mayo 2024 |
These are the top 5 learnings I had so far habang sa gawaing pag-aakay:
1. Be consistent - Mula sa pagsundo, pagsama sa mga pagdodoktrina at pagpapasamba, kailangang hindi ningas-cugon... dapat ay maging consistent. There are 25 lessons for the indoctrinee to undergo, kailangan bilang isang may-akay, subaybayang maigi at suportahan mula umpisa ng doktrina, maging sa panahong pagtapak niya bila sinusubok, pagsama sa screening, at pag-suporta sa bautismo.
Ngunit hindi nagtatapos iyon sa bautismo, kailangan niya pa rin ng guidance at hand-holding sa panahong nasa loob na siya ng Iglesia. Ang kaniyang pananampalataya ay kailangang mag-ugat, at ang pinakananais natin ay manatili siyang nakapagpapatuloy hanggang matapos niya ang kaniyang takbuhin.
2. Prepare yourself with sacrifices - Kalakip na ang sakripisyo at proper mind-set ang pagkakaroon ng inaakay. Words are not enough to describe kung paanong mga pagmamalasakit at pagtatanggi ng sarili ang gagawin, nariyan na maglaan ng oras para sa mga pagsundo at paghatid, pagsama sa mga doktrina at pag hihintay sa mga pagsamba.
Nariyan ang pag-abot ng tulong pinansiyal upang ang akay ay makapagpatuloy habang binubuo niya ang kaniyang pananampalataya at pinalalago sa pamamagitan ng mga pakikinig. Maaring iba't-ibang sakripisyo ang ating makakaharap ngunit ang lahat ng ito ay kayang malagpasan kung sinet-in-advance natin ang ating isipan sa journey ng pag-aakay at pagpapalaganap.
3. Makisama sa inaakay at impluwensiyahan sa kulturang Cristiano - Ang kinalakhang kultura ng sanlibutan ay hindi-hindi mababago overnight, this is a gradual process at bilang may-akay, we are the main instruments, the visual examples kung paano lumakad sa kulturang Cristiano. We have the biggest impact and influence sa ating mga inaakay at pinadodoktrinahan. Let's lead by example.
Candidates for Baptism with Ka Marty (Our Destinado) |
4. Pag napagod, magpahinga at ituloy ang laban. - Darating ang panahon na maaring magsawa, or mag-give-up ang nag-aakay. Tao lang din, na napapagod at nawawalan kung minsan. Subalit, hindi ito dapat ang dahilan upang sumuko, whatever we started, we should finish it, after all this is a sworn duty, ang pagiging misyonero at misyonera -- bilang mga ilaw, liwanag, at tanglaw sa sanlibutang madilim.
5. Magpanata, manalangin. - Underrated mang sabihin pero napaka-powerful nito. Ang lunas sa lahat ng agam-agam kung kakayin ba o hindi ay ang panata at panalangin. Hindi madaling magbunga, gaya ng sinabi ko kanina subalit kung ang pusot at damdamin ay ilakip, at gawing dahil sa pag-ibig kaya gusto nating magbunga, ito ay magiging madali, at may kalakip ng self-fulfillment. Mas lalo tayong nalalapit sa Kaniya.
_____
** If you have questions or need someone to talk to, o diman kaya'y isa ka sa mga nagsusuri and you wanted to inquire about INC and how to get inside, don't hesistate to message me, I'll be more than happy to accompany you in your journey to becoming an Iglesia Ni Cristo member **
-billymacdeus
paki-follow po kami sa FB https://facebook.com/billymacdeusblog/