For me, listening intently to the texto of Brother Eduardo V. Manalo has always been a pleasure, and likened to a deer in search of water.
Ang paksang diwa of the Church's 110th anniversary: "Patuloy na Magbigay Kasiyahan sa Diyos ang Kaniyang Bayan" was magnified and shared with great emphasis to signify its importance in these last days for the INC members' journey towards salvation.
Firstly, ang pagbibigay kasiyahan sa Diyos ay siyang inaasahan Niya mula sa Kaniyang mga hinirang. This is a basic requirement for the servants of God, because it's all tied up to the bigger picture - ang pagdating ng Panginoong Jesus -- na kaalinsabay ang napakalakas na ingay sa langit, na ang apoy ay wawasak sa araw, mga bituin, at sa kalawakan -- na ang pagdating ni Jesus ay nasa pintuan na.
Second, ang pagbibigay kasiyahan sa Diyos ay konektado kung nais nating matamo ang kaligtasan. Sapagkat ang pagliligtas ay napakalapit na, at nagbigay ng babala ang Bibliya sa mga magaganap; ito ay natutupad at patuloy pang natutupad:
- digmaaan (i.e.) 1st World War - July 27, 1914; 2nd World War - September 1, 1939.
- alingawngaw ng mga digmaan
- titindig ang banasa laban sa bansa
- ang kalikasan ay magdurusa
- lindol
- natural na mga sakuna
- tag gutom
Ang mga kaganapan sa itaas ay inilalarawan na gaya ng paghihirap ng isang babae sa kaniyang panganganak.
image credits to the owner |
Another reason why it is important for God to be delighted with us - "Ang panginoon ang pumapatnubay sa atin sa landas kung saan tayo lalakad, at pumuprotekta sa kanila na nagbibigay kasiyahan sa Kaniya."
One great example of this is the King Hezekiah - ginawa niya ang mabuti at tama - siya ay sumunod sa Dios. Nagpumilit siya na sumunod sa mga batas (laws) at tuntunin (rules) ng Diyos. Hence, the king receive good and great things in this life.
Ultimately, ano ang pangako ng Diyos sa mga nagbibigay kasiyahan sa Kaniya?
- patuloy kang papatnubayan ng Panginoon.
- bibigyang kasiyahan sa buhay, gaya ng bukal ng tubig na hindi nawawala.
Hindi naman kailangan ng Diyos ang mga biyaya, kundi tayo ang nangangailangan; gaya ni Haring Asa na naging malakas at hindi natakot gumawa ng mga reporma (inalis ang mga diyos-diyosan sa mga pagsamba noong unang panahon), siya ay nakapagbigay kasiyahan sa Diyos, at siya'y tinulungan, naging mabuti sa kaniya ang Diyos.
Tinutulungan ng Diyos ang mga may ligalig, nabigo, nabuwal; binibigyan Niya ng sapat, mga pangangailangan, walang hindi hinahangad kundi tayong lahat ay maligtas. Kung tayo ay nakapagbibigay kasiyahan, gagaan ang lahat na ating mga pinagdaraanan.
--billymacdeus