click here for Part 1
Habang inaantay ko na mahimasmahasan ka sa bugso ng iyong damdamin, dahil sa iyong pag-iyak, napatingin ako sa labas; payapa ang kalsada, may mangilan-ngilang tao na naglalakad at tila baga'y sila man ay payapa din; naisip ko na ilan din kaya sa kanila ang may dinadalang bigat ng kalooban?, na tulad mo -- you shared what you felt, letting it out, tears flowing down your cheeks.
It's my first time actually, na maging witness at involved first hand, in public sa pagpapakita ng emosyon na may kasamang pagyakap at pag-iyak; hindi natin alintana 'yung mga matang palihim na tumitingin sa atin; 'di ko alam kung ang iniisip nila ay, pina-iyak kita o sadyang kino-comfort lang kita; anoman ang nasa isip nila, balewala iyon, ang mahalaga ay nailabas mo ang 'yong saloobin.
_______
Nabasa mo ang istoryang ito (yung Part 1 niya), and you requested profusely for me not go into details anymore about it.
I was about to share some details about "it", kung bakit ka humagulgol ng iyak, but we decided to veil and leave my readers just hanging. Ang sabi ko: "mabibitin sila!, hahaha!".
"Hayaan mo silang mabitin, sa tingin ko, 'di na nila kailangang malaman pa ang mga detalye ng aking kalungkutan, i hope you respect my request not to publish even a glimpse of it". You mentioned crisply but with impact.
Hindi na ako nakipagpilitan pa, i totally get it -- let's keep it private.
_______
Fast forward to 2024, once in a blue moon na tayo magkita. Ang "Tara Kape Tayo" ay madalang pa sa ulan tuwing tag-araw -- as if it's never going to happen. Sa iMessage nalang tayo nag-uusap, at least we get to catch up and share memes, laughing out loud with the mundane things of what's in and what's out.
Unang linggo ng March 2024, naalala ko nag-aya ka -- gusto mong pumunta tayo sa Tagaytay, magkape sa Twin Lakes o kung saan man may view ng Taal, "somewhere intimate at wala masiyado tao", ang sabi mo. However, I wasn't available - during that time, kasagsagan ng paghahanda ng BNH (a church, week-long preparation).
"It's alright, next time nalang". Eto ang mga huli mong wika.
"I hope to see you by April na". Reply ko.
To my surprise... I received your iMessage out of the blue: "Asan ka?, Tara! Kape Tayo!"
At dali ko naman na tinawagan ka, and just like that- in a quick snap of the fingers, we agreed to meet, upang pag-usapan ang mga bagay-bagay na gumugulo sa iyong isipan. "Ano kaya ang mga iyon?" tanong ko sa aking sarili, habang nag-drive papunta sa Tagaytay.
(itutuloy...)
- Othello
Monday at Tagaytay